Bagong Albie Casiño na raw ang mapapanood sa pinakabagong TV project niyang remake ng movie na “Problem Child”. Ang makakapareha raw ni Albie rito ay si Yen Santos. Kahit nawalan siya ng mga projects, ay meron naman itong kapalit kaya okey lang.
Base sa kwento ng original movie na “Problem Child”, may mga sexy scenes dito. Kaya naman pala noong pansamantalang nawala sa sirkulasyon si Albie, pinagtuunan pala nito ang pagpapalaki at pagpapaganda ng katawan. Nagdyi-gym, nagma-martial arts at naglalaro ng basketball bilang paghahanda sa kaniyang pagbabalik.

