“Party Pilipinas” live at Le Pavillon Metropolitan Park, Pasay City this Sunday

Mahigit 100 GMA artists and celebrity performers ang dadayo sa Le Pavillon para dalhin ang Kapuso viewers sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas para sa kanilang summer episode na ginawa para sa young and passionate: Party Pilipinas, Loud & Clear!

Para sa opening number, magdadala ng kakaibang init at saya sina Ogie Alcasid, Rachelle Anne Go, Janno Gibbs, Jay-R, Frencheska Farr, Kris Lawrence, La Diva, Gian Magdangal kasama ang GMA’s leading ladies, Heart Evangelista, Solenn Heusaff, Glaiza de Castro and Lovi Poe as well as the young Kapuso artists na sina Jake Vargas, Alden Richards, Elmo Magalona, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio, Down To Mars, Krizza Neri, Rita de Guzman, Denise Barbacena, Diva Montelaba at Bea Binene.

Pangungunahan naman ni Jennylyn Mercado ang duets for Love, Party Pilipinas with Mark Herras at sa ultimate sing-off with Janno Gibbs in Beat the Birit.

Magpapakita naman si Julie Anne San Jose ng sneak preview ng kanyang kauna-unahang solo concert, It’s My Time and will do a dance duet with Elmo Magalona.

Maglulunsad ng kanyang bagong single si Gloc-9, Hindi Mo Nadinig, a collaboration with singer-composer Jay Durias.

Para naman sa Triple Play, Kylie Padilla and Yassi Pressman will join Ogie Alcasid para patunayan na nasa dugo nila ang pagiging performer.

Sasali naman ang Protégé graduates na sina Ruru Madrid and Zandra Summers a Sayaw Pilipinas crew na pinangungunahan nina Aira Bermudez and Rochelle Pangilinan habang magkakaroon ng birthday celebration si Bela Padilla with a special number in Hot-taw kasama pa ang primetime hotties na sina Michelle Madrigal, Chloe Dauden, Bianca King, Lexi Fernandex, Max Collins and Kris Bernal.

Comments

Loading...
LIKE IT? SHARE WITH YOUR FRIENDS!

Article Tags

Le Pavillon Metropolitan Park1 Party Pilipinas395 Pasay City5 Rico Vergara Gutierrez67