in ,

Daily Horoscope: August 29, 2017 – Tuesday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Gawin mo kung ano talaga ang iyong gusto. Mas magtatagumpay ka rito kaysa sa mga bagay na pinipilit lang na ipagawa sa iyo ng ibang tao.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para ayusin ninyong dalawa ang anumang problema na nagpapastress sa inyo kamakailan.
Money/Career:
May unexpected na career opportunity ang maaaring dumating sa iyo, pero huwag kang magmadali na kunin ito.
Lucky Color: Blue
Lucky Number: 5

Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung kinukwestiyon ng ibang tao ang iyong gawa, huwag kalimutang mag-explain sa kanila nang maayos. Huwag hayaang uminit agad ang ulo.
Love:
Singles: Maaaring malapit lang sa iyo ang taong nakatadhana para sa iyo pero masyado kang nagfofocus sa ibang tao kaya hindi mo siya napapansin.
Money/Career:
Maaaring lumaki ang iyong gastos sa pamasahe kaya naman kung naiisipan mo na magtrabaho na lang sa bahay, gawin ito.
Lucky color: Black
Lucky number: 17

Gemini (May 21 – Jun 20)
Maaaring ma-confuse ka sa araw na ito. Kaya naman huwag mahiyang magtanong sa mga taong nakakatanda sa iyo o kaya’y pumunta sa simbahan at magmuni-muni.
Love:
Couples: Kung may achievement ang iyong partner, subukan mong yayain ang kanyang mga kaibigan at magcelebrate kayo.
Money/Career:
Maaaring makakuha ka ng pera ngayong araw galing sa isang tao na hindi mo inaasahan.
Lucky color: Purple
Lucky number: 8

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Maaaring magkaproblema ka habang bumibyahe. Kaya naman umalis ka nang maaga sa inyong bahay at magplano ng ibang ruta kung sakaling magka-aberya.
Love:
Couples: Maaaring malito ka sa mga ikinikilos ng iyong partner. Pero huwag mag-alala dahil malalaman mo rin ang dahilan niya tungkol dito.
Money/Career:
Kung may away kayo ng iyong partner, maaaring masira nito ang mood mo at maapektuhan ang iyong performance sa trabaho.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 3

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maaaring pumasok ka sa isang relasyon at mukhang magiging adventure ito para sa iyo. Kaya naman i-enjoy mo lang ito.
Love:
Couples: Mas mabuti kung hindi mo agad huhusgahan ang iyong partner base sa mga naririnig mo sa ibang
tao.
Money/Career:
Napalaki ang gastos mo sa mga nagdaang araw kaya naman may malaking posibilidad na mangutang ka sa iba para mabawi mo ang nawalang pera mo.
Lucky color: Silver
Lucky number: 11

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Maaaring bisitahin ka ng iyong mga kaibigan o mga kamag-anak ngayong araw. Maaaring may pag-usapan kayo na tungkol sa isang outing.
Love:
Couples: Huwag kang mawalan ng pag-asa sa iyong partner. May mga pagkakataon talaga na magkakamali siya pero gagawan naman niya ito ng paraan para maitama ang mga ito.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa travel ang trabaho.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 10

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung hindi sang-ayon ang mga tao sa iyong ginagawa, mas mabuting lumayo na lang sa kanila kaysa marinig mo silang nagrereklamo sa iyo palagi.
Love:
Couples: Tanungin mo ang iyong partner kung ano ang kanyang kailangan kaysa naman sa nagpapakiramdaman kayo.
Money/Career:
Maaaring masangkot ka sa isang problema na wala ka naman talagang kinalaman. Magpaliwanag mabuti para hindi mahusgahan ng mali.
Lucky color: Violet
Lucky number: 18

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Matutong maghintay sa tamang oras bago mo aksyunan ang isang bagay para hindi mo ito pagsisihan sa huli.
Love:
Singles: Huwag ka na magsayang ng oras sa mga taong wala namang gusto sa iyo. Darating din ang taong nakalaan para sa iyo.
Money/Career:
Dahil sa iyong kasipagan at husay sa trabaho, maaaring mapansin ka ng iyong boss at mabigyan ka ng raise o promotion.
Lucky color: Red
Lucky number: 5

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Bago ka magsaya, tapusin mo muna ang mga gawain na ibibigay sa iyo. Iwasan mo ring makipagtalo sa iyong mga kamag-anak para hindi na ito dumagdag pa sa stress mo.
Love:
Couples: Kung may away kayo ng iyong partner, huwag ninyong hayaang umabot pa ito kinabukasan. Ayusin agad ito bago pa matapos ang araw.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa networking ang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 15

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Magagawa mong mag-isa ang mga bagay na sa tingin mo ay hindi mo kaya. Kaya naman huwag mong mamaliitin ang iyong sariling kakayahan.
Love:
Singles: Maaaring dahil sa iyong yaman kaya naman marami ang gustong manligaw sa iyo. Mag-ingat ka sa mga taong ito.
Money/Career:
Matatapos mo ang anumang proyekto na ibibigay sa iyo ngayong araw kaya naman magiging proud ka sa iyong sarili.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 24

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kahit na ano pa ang isuggest mo sa kanila, mukhang hindi nila ito pinapansin. Kaya naman huwag ka na magsayang ng effort para rito.
Love:
Couples: Maaaring may malaman kang bago tungkol sa iyong partner at makakatulong ito para sa future ng inyong relasyon.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa gamot ang trabaho.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 16

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Maaaring maging busy ka ngayong araw. Kaya naman huwag mong kalimutang alagaan ang iyong sarili para hindi ka magkasakit.
Love:
Singles: Maaaring bisitahin ka ng isang taong naging bahagi ng iyong nakaraan. Wala siyang balak na
makipagbalikan sa iyo pero mukhang makakatulong siya sa iyong problema.
Money/Career:
Iwasan mong lumapit sa mga taong negative mag-isip. Huwag mo ring hahayaang maimpluwensiyahan nila ang iyong mga desisyon.
Lucky color: Orange
Lucky number: 11

Comments

How is Former PBB Housemate Manolo Pedrosa’s current life? Find out here!

Direk Mark Reyes and Original Sang’gres reunited for an upcoming project