in ,

Daily Horoscope: October 1, 2017 – Sunday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag ka muna sumubok ng anumang bago. Mas makakabuti sa iyo kung magstick ka sa mga bagay na may napatunayan na.
Love:
Singles: Mukhang handa ka na para pumasok sa isang relasyon.
Couples: Ito na ang tamang panahon para bumawi ka sa iyong partner sa mga panahon na naging busy ka.
Money/Career:
Mukhang mababawi mo na ang nawala mong pera kaya naman magkakaroon ka na ng extra money.
Lucky color: Pink
Lucky number: 7

Taurus (Apr 20 – May 20)
Gawin mo ang mga bagay na talaga namang gusto mo. Hindi masasayang ang oras mo sa mga ito dahil ito ang mga hilig mong gawin.
Love:
Couples: Mukhang may chance na i-treat ka ng iyong partner ngayong araw.
Singles: Hindi ka pa masyadong handa para pumasok sa isang relasyon, kaya naman huwag ka magpastress sa ibang tao.
Money/Career:
Makakaapekto ng malaki ang gagawin mong desisyon kaya naman dapat ay sigurado ka sa iyong pasya.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 6

Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang maganda ang araw na ito para umalis ng bahay at mamasyal. Yayain mo ang iyong pamilya o mga kaibigan para samahan ka.
Love:
Singles: May gusto ka sa kanya pero hindi mo pa rin ito maamin sa kanya. Huwag ma-tense at may tamang panahon para diyan.
Money/Career:
Mukhang mamalasin ka sa pera ngayong araw kaya naman iwasan mo munang sumali sa anumang sugal.
Lucky color: Orange
Lucky number: 11

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Maglaan ka ng maraming panahon sa mga taong may positive na attitude. Makakatulong sila sa iyo para gumaan ang iyong pakiramdam.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na may magkagusto sa iyo. Pero mag-ingat ka lang dahil mukhang wala siyang balak na seryosohin ka.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa art ang trabaho.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 16

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung meron kang project na dapat simulan, gawin mo na ito kaagad at huwag ka na maghintay na abutin ka pa ng siyam-siyam bago kumilos.
Love:
Singles: Mukhang handa ka na pumasok sa isang relasyon. Kaya naman huwag kang mahiyang i-express ang iyong sarili sa taong gusto mo.
Money/Career:
Kailangan mo na kumilos kaagad lalo na kung gusto mo talagang mapaganda ang takbo ng iyong career.
Lucky color: Dark green
Lucky number: 4

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kailangan mong magtiwala sa isang kaibigan ngayong araw. Marahil ay nakasalalay sa kanya kung magiging maganda ang takbo ng araw mo o hindi.
Love:
Couples: Kung nalilito ka sa mga ikinikilos ng iyong partner, magmasid-masid ka muna at huwag agad gumawa ng conclusion.
Money/Career:
Minsan talaga ay hindi nangyayari ang gusto mo kahit na anong pag-iingat ang gawin mo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 5

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung naguguluhan ka sa takbo ng iyong buhay sa ngayon, mas mabuti kung magreflect o kaya’y magsimba ka para makapagmuni-muni ka rin.
Love:
Couples: Mukhang mas maraming effort ang ibinibigay ng iyong partner sa inyong relasyon. Kaya naman gawin mo ang lahat para makabawi sa kanya.
Money/Career:
Huwag ka muna magpahiram ng pera ngayong araw dahil may malaking chance na hindi na ito bumalik sa iyo.
Lucky color: Blue
Lucky number: 17

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kailangan mong kumilos nang mabilis lalo na kung ayaw mong mapag-iwanan. Kung may kailangan kang kausapin, magset ka na agad ng meeting sa kanya.
Love:
Singles and Couples: Magfocus ka muna sa mga problema na may kinalaman sa iyong trabaho. Basta siguraduhin mo rin na kinakamusta mo rin ang iyong pamilya.
Money/Career:
Bago ka pumasok sa isang partnership, siguraduhin mo muna na tama ang taong kinakausap mo at hindi ka lolokohin.
Lucky color: Neon green
Lucky number: 18

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maaaring maging successful ka sa iyong career pero huwag mo ring kalimutan na magbigay ng panahon sa iyong pamilya.
Love:
Singles: Mukhang magiging busy ka sa mga darating na araw sa dami ng events na pupuntahan mo. Ito rin ang pagkakataon mo para makipagkilala sa ibang tao.
Money/Career:
Kung may problema ka, mas mabuting maging open ka rito. Maiintindihan ka naman ng iyong mga kasama.
Lucky color: Green
Lucky number: 1

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kailangan mong panindigan ang iyong gagawin na desisyon. Hindi ito ang oras para umatras ka sa iyong pasya.
Love:
Couples: Kung nagkakaroon ka ng problema sa iyong trabaho, sabihin mo ito sa iyong partner para naman hindi siya nag-aalala sa iyo.
Money/Career:
Mukhang magiging hectic ang schedule mo sa mga susunod na araw kaya naman hindi mo na masyadong magagawa ang ilan sa hobbies mo.
Lucky color: Silver
Lucky number: 6

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Subukan mong umalis sa iyong comfort zone at gawin mo ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa. Maaaring magdulot ito ng excitement sa buhay mo.
Love:
Couples: Kung hindi ka mag-iingat, may chance na masira ang iyong relasyon dahil sa isang third party.
Money/Career:
Huwag ka masyadong demanding sa iyong trabaho. Kung ipagpapatuloy mo ito, magiging sakit sa ulo ang tingin sa iyo ng ibang tao.
Lucky color: Red
Lucky number: 18

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Ito ang tamang panahon para makipagkilala ka sa ibang tao at para na rin palawakin pa ang iyong social circle.
Love:
Couples: Kung nalilito ka sa mga ikinikilos ng iyong partner, mukhang malalaman mo na ang dahilan sa likod nito ngayong araw.
Money/Career:
Maging consistent ka lang sa iyong trabaho at magiging matagumpay ka rin sa iyong career.
Lucky color: Red
Lucky number: 18

Comments

Hottest Pairs that turned up the heat on Star Magic Ball 2017

Winners of the Star Magic Ball 2017 Special Awards