in ,

Daily Horoscope: September 10, 2017 – Sunday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kailangan mo pang magsipag lalo. May mga bagay ka na dapat mong tapusin at hindi mo ito magagawa kung tatamarin ka ngayong araw.
Love:
Couples: Huwag kang masyadong mahigpit sa iyong partner. Kung ipagpapatuloy mo ito, lalo lang siyang masasakal sa inyong relasyon.
Money/Career:
Kung nag-apply ka sa isang trabaho kamakailan, may mataas na chance na makareceive ka ng good news mula rito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 20

Taurus (Apr 20 – May 20)
Magconcentrate ka sa mga bagay na dapat mong gawin. Huwag mong hayaang maubos ang oras mo sa mga hindi importanteng bagay.
Love:
Singles and Couples: Maganda ang araw na ito para lumabas kasama ang iyong pamilya. Magplano kayo ng isang activity na ieenjoy ninyong lahat.
Money/Career:
May malaking chance na magbago ka ng trabaho o kaya’y maiba ang direksyon ng iyong career.
Lucky color: Green
Lucky number: 6

Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag ka muna magdesisyon base sa iyong mga hinala. Makinig ka sa sasabihin ng bawat kampo para naman patas ang magiging desisyon mo.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong nakafocus sa iyong trabaho. Bigyan mo rin ng quality time ang iyong partner para hindi siya magtampo sa iyo.
Money/Career:
Maaaring maapektuhan ka ng isang problema sa iyong trabaho kahit na wala ka namang kasalanan dito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 23

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Magiging emosyonal ka ngayong araw. Kaya naman umiwas ka muna sa kahit anong issue dahil paniguradong hindi mo kakayanin ang stress na dulot nito.
Love:
Couples: Hindi sapat na sinasabi mong mahal mo ang iyong partner. Kailangan mo ring ipadama sa kanya ito.
Money/Career:
Okay lang maging masunurin pero iba na ang usapan kung nagpapauto ka na lang palagi sa kanila.
Lucky color: Grey
Lucky number: 16

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maaaring may kausapin ka ngayong araw at hindi malayong magkasagutan kayo. Kaya naman para hindi na lumala pa ang lahat, subukan ninyong ayusin ang anumang problema.
Love:
Couples: Para mabawasan ang stress sa inyong relasyon, yayain mo ang iyong partner na sumali sa isang fitness program.
Money/Career:
Huwag mong kalimutang ibigay ang iyong best sa iyong trabaho at hindi malayong makamit mo ang tagumpay.
Lucky color: White
Lucky number: 9

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mahirap man ang dinaranas mo sa ngayong, lagi mong tandaan na may mga bagay pa rin na maaaring mong enjoyin.
Love:
Singles and Couples: Huwag ka masyadong magconcentrate sa iyong trabaho. Bigyan mo rin ng sapat na panahon ang iyong pamilya.
Money/Career:
Mukhang magkakaroon na ng resulta ang iyong mga paghihirap. Iwasan mo ring mainggit sa achievement ng ibang tao.
Lucky color: Pink
Lucky number: 17

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maging dominating ka ngayong araw. Pero mag-ingat ka dahil kung masyado kang bossy, maraming tao ang iiwas sa iyo.
Love:
Couples: Kung gusto ninyong magtagal ang inyong relasyon, dapat ay alam ninyo kung kailan dapat isinasantabi ang inyong mga ego.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga estudyanteng gumagawa ng kanilang research.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 14

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang may malaking chance na magkaroon kayo ng outing ng iyong mga kaibigan. Kaya naman subukan mo na mag-ipon para naman may panggastos ka.
Love:
Couples: Anumang problema sa inyong relasyon ay malapit nang mawala. Kaya naman magpasalamat kayo sa mga biyayang inyong natatanggap.
Money/Career:
Kung gusto mong maging successful sa iyong career, dapat ay habaan mo ang iyong pasensiya.
Lucky color: Red
Lucky number: 6

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag mong hayaang maipit ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman ginusto. Kung ayaw mo rito, huwag mo na patagalin at umalis ka na.
Love:
Singles: Kailangan mong maging mas maunawain sa ibang tao lalo na kung gusto mong maging maganda ang takbo ng iyong love life sa hinaharap.
Money/Career:
Kung may inutos sa iyo, gawin mo ang lahat para magawa ito. Gawin mo ang lahat para maging reliable ka sa iyong trabaho.
Lucky color: White
Lucky number: 23

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maaaring may kaibigan kang magshare ng sikreto sa iyo kaya gawin mo ang lahat para hindi mo ito ipagkalat sa iba.
Love:
Singles: Huwag ka na madisappoint kung hanggang ngayon ay wala ka pa ring love life. Kaya, ienjoy mo na lang ang pagiging single mo sa ngayon.
Money/Career:
Sanay kang mag-ipon kaya naman hindi ka masyadong nagpapahiram ng pera sa iba dahil sa iyong kakuriputan.
Lucky color: Brown
Lucky number: 17

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Maaaring maging busy ka ngayong araw. Pero huwag kang mag-alala dahil magagawa mo namang tapusin ang lahat ng iyong mga gawain.
Love:
Couples: Mukhang magkakaroon ka na ng chance na makasama ang iyong partner ng matagal-tagal. Kaya naman sulitin niyo na ito ngayong araw.
Money/Career:
Huwag ka muna pumasok sa isang investment o partnership ngayong araw dahil may chance na malugi ka rito.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 24

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Magiging romantic ka ngayong araw. Kaya naman hindi kataka-taka kung magiging blooming ang aura mo ngayon.
Love:
Couples: Perfect ang araw na ito para ilaan mo sa iyong partner.
Singles: May chance na makita mo na ang true love mo sa isang social gathering.
Money/Career:
Marami ka ng naipon kaya naman magagawa mo na bilhin ang isang bagay na matagal mo na gusto.
Lucky color: Rose
Lucky number: 10

Comments

Martin Andanar says no performance ban for Mocha Uson, but not in casinos

Angel Locsin and Neil Arce remain label-less