in ,

#DailyHoroscope: September 24, 2017 – Sunday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Maaaring magkaroon kayo ng issue sa inyong kamag-anak ngayong araw. Pag-usapan ninyo itong mabuti para hindi na lumala pa ang sitwasyon.
Love:
Singles: Kung may balak kang pumasok sa isang relasyon, mukhang ito na ang tamang panahon para rito.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa research ang trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 6

Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung alam mo naman na hindi ka makakatulong sa iba, huwag ka na lang makialam sa problema ng ibang tao.
Love:
Couples: Kung gusto mo lumabas kasama ang iyong partner ngayong araw, gawin mo ito dahil minsan lang ang pagkakataon na hindi kayo parehas na busy.
Money/Career:
Makipagreunion ka sa iyong mga kaklase dati at malay mo, may job opportunity sila na ipresent sa iyo.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 9

Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag mo sayangin ang iyong oras sa mga hindi importanteng bagay. Gawin mo muna ang iyong mga gawain para matapos ka kaagad.
Love:
Singles: Huwag ka na maghanap sa malayo, dahil may taong malapit sa iyo ang may gusto sa iyo. Un lang, hindi niya ito maamin dahil takot siya na i-reject mo siya.
Money/Career:
Oras na para ikaw naman ang tumulong sa iba, lalo na kung palagi ka namang tinutulungan ng iyong mga katrabaho.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 15

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang hindi ka gaano makakapag-isip ng matino ngayong araw dahil sa dami ng iyong problema na hinaharap kamakailan.
Love:
Singles: Bago ka pumasok sa isang relasyon, siguraduhin mo muna na may sapat kang panahon para ilaan dito.
Money/Career:
Kung may proyekto kang ginagawa, gawin mo ang lahat para hindi ka tamarin para naman umabot ka sa deadline.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 16

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung mangangarap ka ng mataas, siguraduhin mo na kaya mo itong panindigan dahil ikaw lang ang madidisappoint sa huli kung wala kang lakas na loob.
Love:
Couples: Ilaan mo lang ang araw na ito para makasama ang iyong partner. Yayain mo siyang lumabas at i-enjoy niyo lang ang bawat sandali na magkasama kayo.
Money/Career:
Lumayo ka sa mga taong negative mag-isip. Huwag mo ring hayaang maimpluwensiyahan nila ang iyong mga desisyon.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 15

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Magrelax ka lang kahit na mahirap ang hinaharap mong sitwasyon sa ngayon. Tandaan mo na dapat ay kalmado ka lang para makaisip ka rin ng solusyon para rito.
Love:
Couples: Sorpresahin mo ang iyong partner ngayong araw. May malaking chance na kikiligin siya sa gagawin mong sorpresa.
Money/Career:
Huwag kang mahiya na makipag-usap sa iyong mga boss. Ito ang pagkakataon mo para maging close sa kanila.
Lucky color: Black
Lucky number: 19

Libra (Sep 23 – Oct 22)
May problema ang isa mong kaibigan at hindi mo magawang hindi mag-alala sa kanya. Kaya naman kausapin mo siyang mabuti at kamustahin siya araw-araw.
Love:
Couples: Maaaring maguluhan ka sa mga ikinikilos ng iyong partner. Magmasid-masid ka muna at malalaman mo rin ang rason sa likod nito.
Money/Career:
Sundin mo lang ang iyong kutob. May malaking chance na magiging tama ito at bibilib sa iyo ang iyong boss.
Lucky color: Orange
Lucky number: 2

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag mo basta-basta i-share sa ibang tao ang iyong mga ideya. May malaking chance na nakawin nila ito at maunahan ka.
Love:
Couples: Maaaring sorpresahin ka ng iyong partner. Maaaring makatanggap ka ng mamahaling regalo mula sa kanya.
Money/Career:
Kung gusto mo na lumipat ng trabaho, mas mabuti kung iprocess mo na ito sa lalong madaling panahon.
Lucky color: Pink
Lucky number: 16

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maaaring magbago ang iyong lifestyle lalo na kung medyo hirap ka sa buhay sa ngayon. Tatagan mo lang ang iyong loob dahil makakaraos ka rin.
Love:
Couples: Magiging stable naman ang status ng inyong relasyon. Kaya naman magrelax-relax lang kayo at huwag na magpanic.
Money/Career:
Kung nahihirapan kang magbudget sa ngayon, marahil ay kailangan mo na maghanap ng pangalawang trabaho.
Lucky color: Lilac
Lucky number: 5

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Tapusin mo muna ang iyong mga gawain bago ka gumawa ng ibang bagay. Unahin mo ang iyong priorities para makapagpahinga ka na kaagad.
Love:
Couples: Maaaring magkaroon kayo ng away dalawa dahil sa stress na idinudulot ng inyong trabaho. Importante na maging kalmado lang kayo.
Money/Career:
I-motivate mo ang iyong sarili para tapusin ang iyong mga gawain kaagad. Hindi ito ang panahon para maging tamad.
Lucky color: Grey
Lucky number: 4

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang maraming tao ang makakapansin sa iyo dahil may malaking chance na maging blooming ka today. I-maintain mo lang ang pagkakaroon ng positive na attitude.
Love:
Couples: Magiging demanding ka sa iyong partner at pipilitin mo siyang lambingin ka buong araw. Mukhang mahihirapan tuloy ang iyong partner dahil dito.
Money/Career:
Kung meron kang dapat i-celebrate, iinvite mo ang iyong mga close friends at maghanda ka sa inyong bahay.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 11

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang mababawasan na ang iyong mga problema ngayong araw at dahil dito, magkakaroon ka na rin ng peace of mind.
Love:
Couples: Mukhang mahihirapan kang maglaan ng oras sa iyong partner lalo na kung masyadong hectic ang iyong schedule sa trabaho.
Money/Career:
Mukhang may matatanggap kang magandang job offer pero may chance na malayo ang location nito.
Lucky color: White
Lucky number: 1

Comments

LionhearTV unveils RAWR Awards 2017 List of Nominees

Veteran Columnist falls for fakes news, and this is how the internet reacted