Aries (Mar 21 – Apr 19)
Magiging emosyonal ka ngayong arw. Kaya naman mas makakabuti sa iyo kung hindi ka muna gagawa ng kahit anong desisyon na hindi mo talaga pinag-isipang mabuti.
Love:
Couples: Habaan mo ang iyong pasensiya sa iyong partner dahil may malaking chance na maging pasaway siya ngayong araw.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtravel ang trabaho.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 9
Taurus (Apr 20 – May 20)
Maaaring maging tensyonado ka ngayong araw, pero kailangan mong malaman na wala ka naman talagang dapat ipag-alala.
Love:
Couples: Bago pa lumala ang status ng inyong relasyon, kailangan mo na itong gawan ng paraan kung gusto ninyo talagang magsama pa nang matagal.
Money/Career:
Mukhang ikaw ang joker sa inyong grupo, kaya naman magagamit mo ito para maging close ka sa iyong mga boss.
Lucky color: Grey
Lucky number: 7
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag ka muna sumubok ng anumang bago sa iyo at mas mabuting gawin mo na lang ang mga bagay na nakasanayan mo.
Love:
Couples: Kung meron kayong dapat pag-usapan ng iyong partner, gawin na ninyo ito bago pa maging grabe ang inyong problema.
Money/Career:
Kung nagkaroon ka ng examination kamakailan, may malaking posibilidad na pumabor sa iyo ang resulta nito.
Lucky color: Black
Lucky number: 23
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Maging maingat ka sa iyong mga kilos ngayong araw dahil may malaking chance na may tao kang masaktan sa iyong mga aksyon.
Love:
Couples: Kung bored ka na sa inyong relasyon, subukan mong maghanap ng bagong hobby para naman mabuhayan ka.
Money/Career:
Marami ka pang dapat na gawin, pero mukhang kaya mo namang tapusin ang mga ito basta huwag ka lang tatamarin.
Lucky color: Purple
Lucky number: 12
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang magiging iritable ka ngayong araw. Kaya naman magiging mainit ang ulo mo lalo na kung may mga taong mangungulit sa iyo.
Love:
Couples: Huwag mo lang idaan sa salita na mahal mo ang iyong partner. Dapat ay ipadama mo rin ito sa kanya.
Money/Career:
Marami kang matutulungang tao ngayong araw at tiyak naman na magpapasalamat sila sa iyo.
Lucky color: Silver
Lucky number: 7
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kahit busy ka sa iyong mga gawain, dapat ay naglalaan ka pa rin ng panahon para sa iyong pamilya.
Love:
Singles and Couples: Maganda ang araw na ito para yayain mo ang iyong pamiya at kumain kayo sa labas.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa service sectors ang trabaho.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 6
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kailangan mo na gumawa ng desisyon. Kahit hindi mo ito gusto, dapat ay magpasya ka na para matapos na ang gulo.
Love:
Singles and Couples: Maganda ang araw na ito para ilaan mo sa iyong pamilya. Mag-isip ka ng mga activities kung saan makakapagbonding kayong lahat.
Money/Career:
May malaking chance na may makuha kang pera ngayong araw at dahil dito, magagawa mong makabayad na sa iyong mga utang.
Lucky color: Green
Lucky number: 26
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung kaya mo namang tumulong sa ibang tao, gawin mo ito. Hindi ito ang panahon para maging madamot ka.
Love:
Couples: Kung maganda naman ang takbo ng inyong relasyon, marahil ay maisipan na ninyo na maglive-in together.
Money/Career:
Subukan mo ang iyong swerte ngayong araw at tumaya ka sa lotto.
Lucky color: Green
Lucky number: 10
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Magiging creative ka ngayong araw, kaya naman makakaisip ka ng mga ideya para lalo pang mapaganda ang iyong buhay.
Love:
Couples: Kahit na magulo ang status ng iyong relasyon, kumapit ka lang at matatapos din ang kaguluhang ito.
Money/Career:
Kung naiisip mong lumipat na ng ibang trabaho, marahil ay panahon na para gawin mo ito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 24
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Marami mang gawain ang iutos sa iyo ngayong araw, tiyak naman na matatapos mo ang lahat ng mga ito na walang kahirap-hirap.
Love:
Singles: Kung may taong nakikipagflirt sa iyo, mas mabuting huwag mo muna siya seryosohin dahil may chance na bored lang siya.
Money/Career:
Kung may matatanggap ka na bagong job offer, sign na ito para kunin mo ito.
Lucky color: Orange
Lucky number: 23
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag mo muna i-share sa ibang tao ang malalaman mo ngayong araw. Mas mabuti na itikom mo na lang ang iyong bibig kaysa mapahamak ka pa.
Love:
Couples: May malaking chance na maging romantic ka sa iyong partner ngayong araw. At may chance din na isipin niya na baka may kasalanan kang nagawa.
Money/Career:
Kung sumasakit ang iyong katawan, subukan mong magstretching muna bago ka sumabak sa trabaho.
Lucky color: Purple
Lucky number: 18
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kailangan mong maging positive palagi para naman gumanda ang mood mo. Umiwas ka rin sa mga taong negative mag-isip.
Love:
Couples: I-enjoy ninyo lang kung ano ang meron kayo. Huwag kayong magpapressure sa ibang tao at huwag ninyo na silang intindihin pa.
Money/Career:
May malaking chance na humanap ka ng ibang trabaho, lalo na kung hindi na sapat ang kinikita mo.
Lucky color: Black
Lucky number: 13