Aries (Mar 21 – Apr 19)
Lumayo ka sa mga taong negative mag-isip. Huwag mo ring hahayaang maimpluwensiyahan nila ang iyong mga desisyon.
Love:
Couples: Maaaring maging makulit ka sa iyong partner ngayong araw dahil kulang ka sa paglalambing niya.
Money/Career:
Dahil hectic ang schedule mo sa trabaho, may ilang mga bagay ka na hindi mo na magagawa pa.
Lucky color: Purple
Lucky number: 5
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang maganda ang araw na ito para sumubok ka ng bagong bagay. Maaaring isa itong hobby na matagal mo na gustong simulan.
Love:
Singles: Huwag mo ibase sa napapanood mo sa tv o pelikula ang iyong love life. Huwag ka masyadong mag-ilusyon.
Money/Career:
May malaking chance na matapos mo na ang iyong mga pending na gawain at mababawasan na rin ang iyong mga nakatambak na trabaho.
Lucky color: Green
Lucky number: 2
Gemini (May 21 – Jun 20)
May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw. Merong bagay na magpapaalala sa iyo ng isang pangyayari kasama ang isang tao.
Love:
Couples: Maging sweet ka naman sa iyong partner. Gumawa ka ng kanta para sa kanya o kaya’y ipagluto mo siya.
Money/Career:
Siguraduhin mong nabayaran mo na ang iyong bills ngayong buwan para hindi ka na magkaroon pa ng aberya.
Lucky color: Green
Lucky number: 4
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag ka na maging makulit ngayong araw. Kung ayaw ng isang tao ang iyong ginagawa, huwag mo na ito ulit-ulitin pa.
Love:
Singles: Mukhang handa ka na pumasok sa isang relasyon. Kailangan mo na lang muna magpaalam sa iyong mga magulang tungkol dito.
Money/Career:
Kung masipag ka sa iyong trabaho, hindi malayong mapansin ka ng iyong boss at bigyan ka ng raise.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 9
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Importante sa iyo ang iyong pamilya. Kaya naman kung may problema sa inyo, kailangan gawan mo agad ito ng paraan.
Love:
Singles: Hindi porke nakakarelate ka sa kanya ay meron na kayong connection. Huwag masyadong mababaw pagdating sa love.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa business management ang trabaho.
Lucky color: Green
Lucky number: 25
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang may chance na magkaroon kayo ng biglaang gala. Kaya kung meron kang naitabing pera, tiyak na makakasama ka.
Love:
Couples: Pag-isipan ninyong mabuti kung gusto ninyo na i-level up ang inyong relasyon. Marahil ay humantong na ito sa isang kasalan.
Money/Career:
Kung kulang ka sa pera, huwag kang mahiyang humingi muna sa iyong pamilya.
Lucky color: Dark blue
Lucky number: 27
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maganda ang araw na ito para baguhin ang iyong diet. Huwag mong kalimutang mag-exercise para naman hindi na sumakit ang iyong katawan.
Love:
Couples: Maaaring may malaman kang isang bagay tungkol sa iyong partner. Huwag mo siyang huhusgaan agad tungkol dito.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa engineering o software development ang trabaho.
Lucky color: Green
Lucky number: 17
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Okay lang na gumastos ka ngayong araw, pero huwag naman ung sobra-sobra. Magtira ka naman kahit na papaano.
Love:
Couples: Maging open kayo sa isa’t-isa. Kung gagawin ninyo ito, magiging maganda ang future ng inyong relasyon.
Money/Career:
Okay lang naman na sumunod ka sa sinasabi ng iba, pero mag-isip ka rin naman paminsan-minsan.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 26
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maaaring may tao kang haharapin ngayong araw. Kung pangit ang turing ninya sa iyo, tanungin mo siya kung ano bang problema niya sa iyo.
Love:
Couples: Maging confident ka sa iyong sarili. Hindi palaging nandiyan ang iyong partner para ipagtanggol ka.
Money/Career:
Kung medyo stressed ka ngayong araw, hindi naman masamang umorder ka ng isang bagay online para sumaya ka naman.
Lucky color: Green
Lucky number: 13
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maganda ang araw na ito para gawin ang isang bagay kung saan ka madalas nahihirapan. Huwag kang mahiyang magpatulong sa iba.
Love:
Singles: Maaaring kwela ka nga para sa iba, pero mukhang hindi ka talaga feel ng crush mo. Magtry ka ng ibang strategy.
Money/Career:
Kung hindi mo talaga gusto ang iyong trabaho, may chance na magquit ka rito at gawin mo talaga ang isang bagay na nagbibigay sa iyo ng saya.
Lucky color: Pink
Lucky number: 30
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Dapat ay ikaw ang may hawak ng buhay mo. Huwag kang magpapadikta sa gusto ng iba, lalo na kung gusto lang nilang manipulahin ka.
Love:
Couples: Kung nagtatampo sa iyo ang iyong partner, mukhang dahil hindi mo siya gaano binibigyan ng oras sa mga nagdaang araw.
Money/Career:
Kung may balak kang bilhin, siguraduhin mo muna na gagamitin mo ito ng matagal, kundi baka masayang lang ang pera mo sa huli.
Lucky color: Orange
Lucky number: 10
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung gusto mo maging productive sa iyong trabaho, dapat ay hindi mo pinapabayaan ang iyong kalusugan. Magpahinga ka naman kung may time.
Love:
Couples: Mukhang may malaking chance na maging sweet sa iyo ang iyong partner at ilibre ka niya sa isang dinner.
Money/Career:
Marami kang dapat na gawin ngayong araw. Pero huwag kang mag-alala dahil matatapos mo naman ang lahat ng inutos sa iyo.
Lucky color: Green
Lucky number: 6

