in ,

Daily Horoscope: January 5, 2018 – Friday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang may good news na darating para sa iyo ngayong araw. Kaya naman kung gusto mong magcelebrate, gawin mo ito.
Love:
Couples: Huwag ka na maging pasaway sa iyong partner. Dapat ay maging romantic ka sa kanya at iwasan mo na ang pagpapasakit sa ulo niya.
Money/Career:
Kung hindi ka mag-iingat, may malaking chance na mawalan ka ng pera ngayong araw.
Lucky color: White
Lucky number: 22

Taurus (Apr 20 – May 20)
Maganda ang araw na ito para ipakita sa ibang tao ang iyong natatagong talento. Malay mo at baka sumikat ka pa dahil dito.
Love:
Couples: Kung lagi ka na lamang nasasaktan sa inyong pagsasama, marahil ay hindi talaga kayo nakalaan para sa isa’t-isa.
Money/Career:
Kung hindi ka na nag-iimprove sa isang bagay, marahil ay panahon na para iwanan mo ito.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 28

Gemini (May 21 – Jun 20)
May malaking chance na may taong bumisita sa iyo ngayong araw. Kaya naman huwag mong kalimutang ipaghanda siya.
Love:
Couples: Maaaring makatanggap ka ng advice mula sa iyong partner. Kailangan mo itong gawin kahit na labag ito sa loob mo.
Money/Career:
Alamin mo kung saang bagay ka magaling at iyon dapat ang iyong iimprove.
Lucky color: Purple
Lucky number: 2


Tech Jungle: VIVO V17 PRO Review


Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung mataas ang iyong pangarap, ang pagsubok na haharapin mo ay tiyak na mahirap. Huwag kang mawalan ng pag-asa.
Love:
Couples: Tanungin mo ang iyong sarili kung handa ka na ba para i-level up ninyo ang inyong relasyon.
Money/Career:
Mukhang may job offer sa iyo at pag-isipan mo munang maiigi bago mo ito tanggapin.
Lucky color: Blue
Lucky number: 22

Leo (Jul 23 – Aug 22)
May malaking chance na hindi na magiging hectic ang iyong schedule, kaya naman may panahon ka na para makapagpahinga.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Kung wala naman kayong gagawin, mas mabuting magrelax na lamang sa loob ng bahay.
Money/Career:
Gamitin mo ang iyong past experiences para masolusyunan ang isang problema sa iyong trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 17

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung meron kang sikretong nalaman, mas mabuting huwag mo na ito ipagkalat pa dahil lalabas ka na masama sa paningin ng ibang tao.
Love:
Couples: Sorpresahin mo ang iyong partner sa isang date. Yayain mo siyang kumain sa kanyang favorite resto.
Money/Career:
Huwag mong takasan ang iyong trabaho lalo na kung balak mo lang naman na gumimik kasama ng iyong mga kaibigan.
Lucky color: Pink
Lucky number: 5

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Magiging moody ka ngayong araw, kaya naman mas mabuting umiwas ka muna sa mga taong makukulit para hindi ka topakin.
Love:
Singles: Mukhang wala masyadong ganap sa buhay mo, kaya naman mas mabuting lumabas na lang kasama ng iyong mga kaibigan.
Money/Career:
May malaking chance na magkaroon kayo ng business trip sa inyong trabaho.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 12

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag ka masyadong magpakabusy sa iyong mga gawain. Hindi rin makakabuti sa iyo ang pagpupuyat gabi-gabi.
Love:
Singles: May malaking chance na makita mo na ang taong nakatadhana sa iyo. Huwag ka na mag-expect para hindi ka masaktan.
Money/Career:
Kailangan mong maging masipag sa iyong trabaho lalo na kung gusto mo na mapansin ka ng iyong boss.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 7

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Alagaan mo ang iyong sarili. Huwag lagi ibang tao ang iyong inaalala. Magpahinga ka rin naman kahit papaano.
Love:
Couples: Kung gusto mo pang maging exciting ang inyong relasyon, dapat ay ikaw muna ang gumawa ng hakbang.
Money/Career:
Kung hindi mo talaga ginusto ang iyong trabaho, may malaking chance na hindi ka magtagal rito.
Lucky color: Cream
Lucky number: 8

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Hindi ito ang tamang oras para ikaw ay tamarin. Marami ka pang dapat na gawin kaya naman kumilos-kilos ka.
Love:
Couples: Bago kayo magdesisyo na magpakasal, dapat ay pag-isipan ninyo muna kung saan kayo titira kung sakali.
Money/Career:
Maaaring may job offer na dumating sa iyo. Kung gusto mo talaga ito, kunin mo ito kaagad bago ka pa maunahan ng iba.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 14

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag kang magmadali. Maghinay-hingay ka lang sa iyong mga gawain lalo na kung ayaw mong magkamali.
Love:
Couples: Kung sa tingin mo ay medyo nagiging boring na ang inyong samahan, marahil ay panahon na para gumawa ka ng paraan.
Money/Career:
Huwag ka na magpaligoy-ligoy pa. Kung may gusto kang sabihin, diretsyuhin mo na ito.
Lucky color: Gold
Lucky number: 17

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Dahil maganda ang performance mo sa iyong mga gawain, hindi maiiwasan na may mga taong mainggit at gumawa ng masama sa iyo.
Love:
Couples: Yayain mo ang iyong partner na gumala ngayong araw. Pwede ninyong puntahan ang lugar kung saan kayo unang nagkita.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na may makuha kang pera ngayong araw. Naks!
Lucky color: Orange
Lucky number: 9

Comments

Written by Adrian Bigno

Civil engineer by degree, photographer and graphic designer by heart.

“Eat Bulaga!” gives firefighter, Rannie Besa, his own firetruck for his birthday

6 Kapamilya Stars Who Transferred to GMA Network in 2017