Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag ka masyadong maglaan ng maraming oras sa iyong mga gawain. Kailangan mo ring makipag-interact sa ibang tao.
Love:
Couples: Mukhang kailangan ninyo pang laliman ang inyong relasyon. Makakatulong ito para mas lalo ninyo pang makilala ang isa’t-isa.
Money/Career:
Huwag mong hayaang abusuhin ka ng ibang tao. Dapat ay ginagamit mo rin ang iyong isip.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 24
Taurus (Apr 20 – May 20)
May taong walang sawa na tumutulong sa iyo. Huwag mong kalimutang magpasalamat sa kanya dahil sa kanyang mga nagawa.
Love:
Couples: Huwag mong harapin ang isang bagay lalo na kung hindi ka pa talagang handa rito. Maaaring mas lumala lang ang mga bagay.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong gumagawa ng kanilang research.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 14
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para gumawa ka ng bagay na bago dahil may malaking chance na pumalpak ka lang rito.
Love:
Singles: Isipin mo kung anong klaseng partner talaga ang hanap mo para hindi ka basta-basta napupunta sa maling tao.
Money/Career:
Kung ikaw ay nasa trabaho, magfocus ka lamang rito at huwag mo na muna isipin ang iba mo pang problema.
Lucky color: Blue
Lucky number: 30
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang marami kang matutulungan ngayong araw at maraming tao ang matutuwa dahil sa iyong mga nagawa.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Itreat mo siya sa kanyang favorite na resto.
Money/Career:
Kung nahihirapan kang gumawa ng desisyon, mas mabuting humingi ka ng payo sa isang expert.
Lucky color: Pink
Lucky number: 11
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Malalaman mo na kahit gaano pa kaganda ang iyong mga ideya, may mga tao talaga na walang pakialam sa mga ito.
Love:
Singles: Mukhang obvious naman para sa lahat kung sino dapat ang piliin mo, pero mukhang hindi mo pa rin siya nafi-feel.
Money/Career:
Mag-ingat ka dahil meron kang kasama sa trabaho na may balak na isumbong ka sa iyong boss.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 11
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mag-ingat ka ngayong araw dahil may malaking chance na masaktan ka o sumakit ang iyong katawan lalo na kung napakakulit mo.
Love:
Couples: Makinig ka sa sinasabi ng iyong partner. Huwag mo itong balewalain dahil may point naman siya.
Money/Career:
Siguraduhin mong nabayaran mo na ang lahat ng iyong bills para hindi ka na ma-hassle pa.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 14
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Lumayo ka sa mga taong sobrang negative mag-isip. Huwag mong hayaang maimpluwensiyahan din nila ang iyong mga desisyon.
Love:
Married Couples: Mukhang may pagbabago na darating sa buhay ninyo. May chance din na madagdagan ang inyong pamilya.
Money/Career:
Kung hindi ka mag-iingat, maaaring hindi mo makita ang isang napakagandang opportunity.
Lucky color: Brown
Lucky number: 5
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag mo na ishare muna sa ibang tao ang iyong nalaman. Maaaring ikalat nito ito sa iba at ikaw lang ang mapapagalitan.
Love:
Singles: Mukhang panahon na para sabihan mo ang isang tao lalo na kung nagiging makulit na siya araw-araw.
Money/Career:
Habaan mo na lamang ang iyong pasensiya, lalo na kung wala pa ring masyadong improvements sa iyong trabaho.
Lucky color: White
Lucky number: 25
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang meron kang kakilala na malapit na ikasal. Mag-isip ka na ng regalo na magandang ibigay sa kanya.
Love:
Singles: Subukan mong yayain sa isang date ang isang tao na hindi mo naman talaga type. Maaring maging maganda rin naman ang kalalabasan nito.
Money/Career:
Huwag mong hayaang tamarin ka sa iyong trabaho. Magfocus ka sa iyong mga gawain at huwag ka magpahawa sa iba mong kasamahan.
Lucky color: Purple
Lucky number: 13
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
May malaking chance na malito ka sa isang bagay ngayong araw. Huwag kang gumawa agad ng hakbang para rito at baka magkamali ka.
Love:
Couples: Huwag kang magpapressure sa ibang tao lalo na kung may kinalaman ito sa inyong relasyon. Take your time.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa journalism ang trabaho.
Lucky color: Gray
Lucky number: 2
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang panahon na para simulan mo ang isang bagay na dapat ay matagal mo nang nasimulan. Maaaring maging successful ka rito sa huli.
Love:
Singles: Kung masyadong kang selfish, may malaking chance na hindi ka talaga makakahanap ng taong magtitiyaga sa iyo.
Money/Career:
Kung gusto mo na umalis sa iyong trabaho, marahil ay ito na ang tamang panahon para gawin ito.
Lucky color: Orange
Lucky number: 18
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Sundin mo muna ang sinasabi ng iyong kutob o hinala. Magtiwala ka sa mga ito dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Singles and Couples: Subukan mong yayain ang iyong pamilya na lumabas ngayong araw. Chance ninyo na ito para makapagbonding.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa gamot ang trabaho.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 9

