Daily Horoscope: June 14, 2018 – Thursday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang may kailangan kang gawin ngayong araw na biglaan lang sa iyo na sasabihin. Huwag ka masyadong mag-alala dahil hindi naman ito mahirap.
Love:
Couples: Kung meron kang hindi gusto sa ginagawa ng iyong partner, sabihin mo ito sa kanya para naman maging aware siya.
Money/Career:
Huwag ka masyadong mainis ngayong araw, lalo na kung hindi nasusunod ang mga bagay na nais mo.
Lucky color: Orange
Lucky number: 18

Taurus (Apr 20 – May 20)
Makinig ka sa sinasabi ng ibang tao. Huwag na matigas ang ulo at sundin mo na lamang ang gusto nilang mangyari.
Love:
Singles: Mag-ingat ka dahil may ilan sa mga taong lalapit sa iyo ang may hidden agenda. Maging mapanuri sa kanilang mga kilos.
Money/Career:
Maging positive ka lang. Magiging ayos din ang lahat kaya naman magrelax ka.
Lucky color: Pink
Lucky number: 16

Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang panahon na para magrelax ka at huwag mo na masyadong isipin ang iyong hectic na schedule, lalo na kung nakakaapekto na ito sa iyong kalusugan.
Love:
Couples: Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para magdecide ka sa isang bagay lalo na kung napipilitan ka lamang.
Money/Career:
Gawin mo na lamang ang sinasabi ng iyong boss para naman matahimik na siya.
Lucky color: Pink
Lucky number: 8

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Maaaring madelay ang iyong mga gawain ngayong araw. Pero huwag kang mag-alala dahil tiyak naman na hindi ikaw ang may kasalanan.
Love:
Singles: Mukhang marami ka pang dapat puntahan na events, kaya dapat ay maghanda ka para sa mga ito.
Money/Career:
Kung hindi ka mag-iingat, maaaring makuha ng iba ang chance na matagal mo na hinihintay.
Lucky color: Violet
Lucky number: 13

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung merong taong magpapayo sa iyo, sundin mo ang sasabihin niya lalo na kung meron naman siyang valid na point.
Love:
Couples: Mukhang may matatanggap na good news ang iyong partner ngayong araw, kaya naman makinig kang mabuti sa sasabihin niya.
Money/Career:
Huwag ka mandaya sa iyong trabaho para lamang makauwi ka nang maaga.
Lucky color: Red
Lucky number: 26

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang magagawa mong tapusin ang karamihan sa iyong mga gawain ngayong araw, kaya naman marami rin ang matutuwa rito.
Love:
Singles: Kung may taong nagpaparamdam sa iyo, dapat ay pansinin mo siya at baka siya na ang taong nakalaan para sa iyo.
Money/Career:
Magmasid ka nang mabuti sa iyong paligid. Dapat ay palagi kang aware sa iyong surroundings.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 26

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Ingatan mong mabuti ang iyong sarili. Kung hindi mo kaya ang isang bagay, huwag mo na itong pilitin pa.
Love:
Singles: Kung hihingi ng tulong ang iyong kaibigan sa iyo, pagbigyan mo siya lalo na kung may kinalaman ito sa kanyang love life.
Money/Career:
Kung meron kang balak na mag-invest sa isang bagay ngayong araw, siguraduhin mo muna na hindi ka niloloko ng tao bago ka pumayag.
Lucky color: Black
Lucky number: 14

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag ka na lamang kumontra sa kagustuhan ng ibang tao ngayong araw. Pagbigyan mo muna sila at tingnan mo kung ano ang magiging resulta nito.
Love:
Couples: Maaaring may pag-awayan kayo ngayong araw, pero mas makakabuti kung hindi aabot ng susunod na araw ang inyong tampuhan.
Money/Career:
Bago ka pumayag sa isang partnership, dapat ay siguraduhin mo muna na buo ang tiwala mo sa tao.
Lucky color: Gold
Lucky number: 1

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang may matatanggap ka na good news ngayong araw at may chance na may kinalaman ito sa pera. Maaaring magdulot ito ng pagbabago sa inyong pamilya.
Love:
Couples: Kung may sakit ang iyong partner, subukan mong alagaan siya kung mahaba-haba naman ang iyong free time.
Money/Career:
Maging proud ka sa iyong trabaho, para naman maging proud din sa iyo ang iyong boss.
Lucky color: Pink
Lucky number: 20

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang may malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw, kaya naman iwasan mo munang gumawa ng mga mabibigat na desisyon.
Love:
Singles: Mukhang hindi ito ang tamang panahon para makialam ka sa love life ng ibang tao. Umiwas ka na lang muna para hindi ka madamay.
Money/Career:
Kung hindi ka makakapagfocus sa iyong mga gawain, tiyak na may chance na madelay ka sa mga ito.
Lucky color: Green
Lucky number: 23

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang malapit na dumating ang panahon na maaappreciate ng ibang tao ang efforts na ibinibigay mo sa kanila.
Love:
Couples: Kung merong balak na subukan ang iyong partner, suportahan mo siya. Huwag mo siyang tatawanan kahit na weird ang gusto niya.
Money/Career:
Kung magiging consistent ka sa iyong trabaho, tiyak na may chance na makuha mo na ang promotion na hinihintay mo.
Lucky color: Blue
Lucky number: 13

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang magiging maganda ang araw na ito para sa iyo. Magagawa mong tapusin ang iyong mga gawain kaya naman hindi ka na mapapagalitan pa.
Love:
Singles: Huwag ka matakot na sumubok na umibig muli, lalo na kung hindi masyadong maganda ang iyong naging experience.
Money/Career:
Kahit na sanay ka sa iyong mga gawain, may chance na tamarin ka rito kaya naman dapat ay labanan mo agad ito.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 27

Comments

Loading...

Article Tags

daily horoscope319 horoscope320

Whats your reaction?

0

ABA'Y MATINDI

0

OK LANG

0

LOL

0

PAK NA PAK

Comments

image