in ,

Daily Horoscope: June 25, 2018 – Monday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung meron kang gustong bilhin, isipin mo muna kung urgent ba ito. Kung hindi naman, ipagpaliban mo muna ang pagbili.
Love:
Singles: Subukan mong humingi ng tips sa iyong mga kaibigan, lalo na kung gusto mo na talagang magkaroon ng love life.
Money/Career:
Ipagpaliban mo muna ang mga plano mo sa mga susunod na araw lalo na kung masama ang iyong pakiramdam.
Lucky color: Orange
Lucky number: 11

Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag kang mahiyang iapproach ang isang tao, lalo na kung siya lang talaga ang makakatulong sa iyo.
Love:
Couples: Kung hindi naman gumaganda ang pagsasama ninyong dalawa, mas mabuting tapusin ninyo na lang ito habang maaga pa.
Money/Career:
May malaking chance na matapos mo ang lahat ng iyong mga gawain ngayong araw.
Lucky color: Red
Lucky number: 1

Gemini (May 21 – Jun 20)
Magfocus ka sa iyong mga gawain. Maglaan ka rito ng panahon para naman tumaas ang chance na maging successful ito.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging sweet ka sa iyong partner. Pwede mo siyang bigyan ng isang mamahaling regalo.
Money/Career:
Mukhang makakapagrelax ka na kahit papaano dahil mababawasan ang mga bagay na iuutos sa iyo.
Lucky color: Cream
Lucky number: 8

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung may taong hihingi sa iyo ng tulong, pagbigyan mo siya lalo na kung yakang-yaka mo naman ang ipapagawa niya sa iyo.
Love:
Singles: Kung marami kang free time ngayong araw, subukan mong ipasyal ang iyong pamilya para naman maaliw sila.
Money/Career:
Huwag ka masyadong magpaistorbo sa iyong mga kaibigan para naman matapos mo ang iyong mga gawain.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 17

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung masama ang iyong pakiramdam, mas mabuting magpahinga ka na lang muna para na rin makabawi ang iyong katawan.
Love:
Singles: Kung gusto mong iimpress ang isang tao ngayong araw, mag-ingat ka lang na hindi ka magmukhang katawa-tawa sa kanya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 9

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Bago mo paniwalaan ang isang bagay, siguraduhin mo muna na reliable ang source nito para naman hindi ka maloko.
Love:
Singles: Mukhang handa ka na talaga na pumasok sa isang relasyon. Tandaan mo lang na dapat ay maging totoo ka sa iyong sarili.
Money/Career:
Kung masama ang iyong pakiramdam, mas mabuting lumiban ka na muna sa iyong trabaho.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 10

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag mo agad tanggihan ang isang bagay. Pag-aralan mo muna ito at baka naman makatulong talaga ito sa iyo.
Love:
Couples: Kung hindi ka mag-iingat, maaaring may taong magtagumpay na sumira sa inyong relasyon ng iyong partner.
Money/Career:
Kung may balak ka na magtayo ng iyong sariling business, simulan mo na ito kaagad.
Lucky color: Black
Lucky number: 27

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Umiwas ka na lamang sa mga taong lumalapit lang sa iyo sa tuwing may kailangan sila. Hindi mo sila kailangan para sa iyong pag-asenso.
Love:
Singles: Maaaring may taong nagkakagusto sa iyo, pero mukhang hindi pa siya handa para aminin ito sa iyo.
Money/Career:
May malaking chance na sipagin ka ngayong araw, kaya naman marami kang gawain na matatapos.
Lucky color: Red
Lucky number: 30

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung hindi mo sigurado kung ano ang dapat mong gawin, sundin mo na lamang ang sinasabi ng iyong kutob.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong maghigpit sa iyong partner. Maaaring masakal lang siya sa iyo at baka lumayo siya nang tuluyan.
Money/Career:
Mag-ingat ka ngayong araw dahil may chance na may gawin ka at hindi maging maganda ang resulta nito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 22

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag mo agad husgahan ang isang tao lalo na kung hindi mo naman siya lubusang kilala. Bigyan mo siya ng chance para patunayan ang kanyang sarili.
Love:
Couples: Magrelax ka lang. Kung medyo stressed ka, subukan mong magpamasahe sa iyong partner para gumanda ang iyong pakiramdam.
Money/Career:
Iwasan mong maging late ngayong araw. Huwag mong sayangin ang oras ng ibang tao.
Lucky color: Grey
Lucky number: 24

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung gusto mong diskartehan ang isang bagay, gawin mo ito. Pero kung may magtatanong sa iyo kung ano ang gagawin mo, ipaliwanag mo ito.
Love:
Singles: Maganda ang araw na ito para gumala ka kasama ng iyong mga kaibigan. Mag-enjoy lang kayo para naman mabawasan ang iyong stress.
Money/Career:
Kung may matatanggap ka na advice galing sa ibang tao, subukan mong gawin ito at baka may point naman siya.
Lucky color: Orange
Lucky number: 28

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang ito na ang tamang panahon para simulan mo ang isang bagay na dapat ay matagal mo na ginawa.
Love:
Singles: Kung medyo bored ka na, subukan mong maghanap ng bagong hobby para naman mabuhyan ka ulit.
Money/Career:
Kung hindi ka kikilos ng mabilis, tiyak na matatambakan ka ng trabaho ngayong araw.
Lucky color: Purple
Lucky number: 14

Comments

Nadine Lustre stars in “Ulan” with three leading men

Top 5 Batangas Destinations You can Visit via JAM Liner