Aries (Mar 21 – Apr 19)
Maganda ang araw na ito para ilaan mo sa iyong pamilya. Mamamasyal kayo kung marami kayong free time.
Love:
Singles: Kung hindi mo sigurado kung siya na ba talaga ang taong nararapat sa iyo, huwag ka muna gagawa ng hakbang na maaari mong pagsisihan.
Money/Career:
Okay lang na mag-take ka ng risk, basta ihanda mo lang ang sarili mo sa maaaring mangyari.
Lucky color: Violet
Lucky number: 21
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang magkakaroon ka ng motivation na tapusin ang isang bagay na masisimulan mo ngayong araw. Ipagpatuloy mo lang ang pagiging masipag.
Love:
Couples: Kung masyadong bored ka na sa inyong relasyon, marahil ay panahon na para gumawa ka ng aksyon.
Money/Career:
May malaking chance na makapagtrabaho ka abroad dahil sa iyong experiences.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 19
Gemini (May 21 – Jun 20)
Iwasan mo munang magtry ng anumang bago ngayong araw. Magstick ka muna sa mga bagay na meron ng resulta.
Love:
Couples: Kung gusto mo na ilevel up ang inyong relasyon, dapat ay manggaling mismo ito sa iyo at hindi sa iyong partner.
Money/Career:
Hinay-hinay lang sa paggastos. Marami ka mang ipon, mabagal naman ang pagpasok ng pera.
Lucky color: Red
Lucky number: 12
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
May malaking chance na maging moody ka ngayong araw, kaya naman mahihirapan ang mga tao sa iyong paligid na pakisamahan ka.
Love:
Singles: Maaaring may taong magflirt sa iyo ngayong araw, pero huwag kang padadala sa kanya dahil tiyak na meron lang siyang kailangan sa iyo.
Money/Career:
Kahit na malaki ang iyong kinikita, dapat ay nililimitahan mo pa rin ang iyong paggastos.
Lucky color: Orange
Lucky number: 29
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Makinig ka muna sa sinasabi ng iyong mga kutob at hinala, dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Singles: Kung merong taong nagkakagusto sa iyo, huwag mo siya pahirapan masyado. Pero huwag ka rin dapat bumigay kaagad.
Money/Career:
Kung meron kang idea kung anong business ang gusto mong gawin, magresearch ka na agad dito para maaga mo itong magawa.
Lucky color: Blue
Lucky number: 1
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Magiging positive naman ang araw na ito para sa iyo. Meron ding chance na may bumisita sa iyo kaya naman maglinis ka ng bahay.
Love:
Singles: Kung hindi ka naman pinapansin ng crush mo, hayaan mo na lang siya. Marami ka pa namang crush na iba.
Money/Career:
Ipagpaliban mo muna ang iyong lakad sa ngayon, lalo na kung may tao kang dapat na tulungan.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 14
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag ka masyadong magpaapekto sa stress. Magsaya ka kahit papaano para naman gumaan ang iyong pakiramdam.
Love:
Couples: Kung hindi pa kayo handa na ilevel up ang inyong relasyon, huwag ninyo na pahirapan o ipressure ang inyong mga sarili.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na may taong magbayad na ng kanyang utang sa iyo.
Lucky color: Grey
Lucky number: 24
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kahit pa maganda ang iyong suggestions, kung wala namang handang makinig sa iyo, wala rin itong patutunguhan.
Love:
Couples: Intindihin mo na lamang ang iyong partner, lalo na kung may mga araw na bigla na lang siyang tinotopak.
Money/Career:
May malaking chance na may pagbabagong dumating sa iyong career at pwede itong pumabor sa iyo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 14
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung merong dumating sa iyo na oportunidad, kunin mo ito kaagad lalo na kung marami kang kaagaw rito.
Love:
Couples: Yayain mo sa isang lunch ang iyong partner, lalo na kung hindi na kayo masyadong nakakapagbonding recently.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa alahas ang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 17
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Okay lang naman na gawin mo ang iyong mga gusto, basta dapat ay tapusin mo muna ang mga bagay na inutos sa iyo.
Love:
Singles: Huwag kang magkulong lang sa bahay buong araw. Lumabas ka naman para magkaroon ng konting pagbabago sa iyong paligid.
Money/Career:
Mukhang mape-pressure ka talaga sa iyong trabaho, lalo na kung hindi magawa ng maayos ng iyong kasama ang kanyang mga gawain.
Lucky color: Grey
Lucky number: 7
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Ingatan mo ang iyong mga sasabihin sa araw na ito, para na rin hindi ka maipit sa isang grabeng sitwasyon.
Love:
Singles: Magconcentrate ka na lamang sa mga taong may care sa iyo. Umiwas ka na lang sa mga negative na tao.
Money/Career:
Bago ka pumayag sa isang kasunduan, tanungin mo muna ang iyong boss kung ano ang tingin niya rito.
Lucky color: Black
Lucky number: 18
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka muna makialam sa problema ng ibang tao, lalo na kung ayaw mong madamay sa gulo ng kanilang sitwasyon.
Love:
Couples: Kung kakaiba ang mga ikinikilos ng iyong partner, magmasid-masid ka muna sa kanya at pag-aralan ang kanyang mga ginagawa.
Money/Career:
Intindihin mo na lamang ang ibang tao. Tandaan mo na may mga tao na talagang slow.
Lucky color: Cream
Lucky number: 24