Aries (Mar 21 – Apr 19)
Maaaring bumilib sa iyo ang ibang tao ngayong araw, lalo na kung makakaisip ka ng solusyon sa isang problema.
Love:
Singles: Kung meron kang inaalala, sabihin mo ito sa iyong mga magulang o kaibigan para naman hindi na sumakit ang iyong ulo.
Money/Career:
Kahit na gusto mong umasenso sa buhay, may mga tao talaga na hihilahin ka pababa.
Lucky color: Green
Lucky number: 15
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung may oportunidad na dumating sa iyo, kunin mo na ito kaagad bago ka pa maunahan ng iba at mawala ito sa iyo.
Love:
Couples: Hindi mo kailangan alamin lahat ng sikreto ng iyong partner. May mga private nabagay na hindi na dapat pinapakialaman pa.
Money/Career:
Pag-isipan mong mabuti ang gagawin mong desisyon dahil tiyak na hindi lang ikaw ang maaapektuhan nito.
Lucky color: Red
Lucky number: 14
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag mo na kontrahin ang isang bagay lalo na kung wala ka namang magagawa para baguhin ito. Mag-adjust ka na lamang.
Love:
Singles: Huwag mong dedmahin ang iyong mga kaibigan. Kung yayayain ka nila na lumabas, sumama ka na lang.
Money/Career:
Huwag ka magpaapekto sa sinasabi ng mga taong wala namang tiwala sa iyo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 2
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang may matatanggap kang good news ngayong araw. Nasa iyo na kung gusto mo itong ishare sa iyong pamilya.
Love:
Couples: Naiintindihan ka naman ng iyong partner kung stressed ka na masyado dahil sa iyong trabaho.
Money/Career:
Kung hindi ka sigurado sa isang bagay, tanungin mo ang ibang tao kung ano ang tingin nila.
Lucky color: Blue
Lucky number: 24
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Lumayo ka na lamang sa mga taong masyadong negative kung mag-isip. Huwag mo hayaang maimpluwensiyahan nila ang iyong mga desisyon.
Love:
Couples: Huwag mong dedmahin ang iyong partner lalo na kung may kailangan siya. Maaaring ikaw lang ang makakatulong sa kanya.
Money/Career:
Kung hindi ka na masaya sa iyong working environment, marahil ay panahon na para ikaw ay maghanap ng iba.
Lucky color: Violet
Lucky number: 17
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Bago mo gawin ang mga gusto mo, siguraduhin mo munang natapos mo na ang mga bagay na inutos sa iyo.
Love:
Couples: May malaking chance na sorpresahin ka ng iyong partner ngayong araw. Huwag mong kalimutang magpasalamat kung nagustuhan mo ito.
Money/Career:
Huwag ka na makipagtalo sa iyong mga katrabaho dahil tiyak na stressed din sila kagaya mo.
Lucky color: Cream
Lucky number: 9
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maging positive ka na lamang ngayong araw. Huwag ka na magpaapekto sa sasabihin ng iba para hindi na masira ang iyong mood.
Love:
Couples: Para hindi ka na mahirapan, sabihin mo na sa iyong partner ang iyong problema para na rin matulungan ka niya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong naghahanap ng trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 29
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maglaan ka ng panahon sa isang bagay, lalo na kung gusto mong matapos dito kaagad. Huwag ka rin magpaistorbo sa iba.
Love:
Couples: Okay lang naman na maging busy ka, pero huwag mo pa ring kalimutan na kamustahin ang iyong partner.
Money/Career:
Mag-ingat ka ngayong araw dahil may malaking chance na meron kang makaaway.
Lucky color: Black
Lucky number: 12
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang may malaking chance na may taong bumisita sa iyo ngayong araw kaya naman huwag mong kalimutan na maglinis ng bahay.
Love:
Couples: Huwag mong kalimutan na sabihin at iparamdam sa iyong partner kung gaano siya ka-special sa iyo.
Money/Career:
Okay lang naman na utusan mo ang ibang tao, pero siguraduhin mo na may ginagawa ka rin.
Lucky color: White
Lucky number: 16
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang may magagawa kang tama ngayong araw, kaya naman marami ang bibilib sa iyo dahil dito.
Love:
Couples: Huwag mong hayaang magtagal pa ang inyong tampuhan. I-approach mo na siya kahit na hindi ikaw ang may sala.
Money/Career:
Kung walang tiwala sa iyo ang isang tao, gumawa ka ng isang bagay para magbago ang kanyang isip.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 10
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag mong hayaang masira ang iyong mood dahil lamang sa isang maliit na bagay. Ibaling mo na lang ang atensyon mo sa iba.
Love:
Couples: Kung naging busy kayong dalawa kamakailan, maganda ang araw na ito para bumawi kayo sa isa’t-isa.
Money/Career:
Kahit na nagtitipid ka, hindi naman masamang ilibre mo ang iyong sarili paminsan-minsan.
Lucky color: Blue
Lucky number: 28
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
May malaking chance na matapos mo na rin ang isang bagay na matagal mo na nasimulan. Makakapagfocus ka na rin sa ibang bagay.
Love:
Couples: Naiintindihan ka naman ng iyong partner, kaya huwag kang matakot na ishare sa kanya ang isang bagay.
Money/Career:
May chance na may makuha kang pera ngayong araw, kaya naman huwag mong kalimutang manlibre.
Lucky color: Brown
Lucky number: 16

