Aries (Mar 21 – Apr 19)
May malaking chance na mairita ka sa isang tao ngayong araw. Subukan mo na lang na lumayo sa kanya kung masyado siyang makulit.
Love:
Singles: Mukhang meron kang kaibigan na may lihim na pagtingin sa iyo. Talasan mo nang mabuti ang iyong pakiramdam para malaman mo kung sino siya.
Money/Career:
Bago mo gawin ang mga bagay na ipinapagawa sa iyo, isipin mo muna kung paano mo didiskartehan ang mga ito para mabilis kang matapos.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 22
Taurus (Apr 20 – May 20)
Hindi ka makakausad kung hindi mo aayusin ang isang problema kaagad. Gawan mo na ito ng aksyon para matapos na.
Love:
Couples: Kung malayo ka sa iyong partner, subukan mong mag-isip ng paraan para maging constant ang inyong communication.
Money/Career:
Kung hindi gumagana ang mga naisip mo, marahil ay panahon na para makinig ka sa sasabihin ng ibang tao.
Lucky color: Pink
Lucky number: 29
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung hindi mo susubukan ang isang bagay, hindi mo masasabi kung ano ang resulta nito. Huwag kang matakot na sumubok ng bagong bagay.
Love:
Singles: Mag-devote ka muna ng time para sa iyong pamilya, lalo na kung hindi ka naman nagmamadali na makahanap ng partner.
Money/Career:
Mukhang marami kayong kailangang gawin ngayong araw kaya naman pagtulungan ninyo na ang mga bagay-bagay.
Lucky color: Grey
Lucky number: 16
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag mo na asahan ang ibang tao para gawin ang mga bagay na inutos sa iyo. Ikaw lang ang makakagawa ng mga ito kaya naman huwag ka na tamarin.
Love:
Singles: Huwag ka kaagad mahuhulog sa mga sasabihin niya sa iyo. Dapat ay alamin mo muna kung ano talaga ang hangarin niya.
Money/Career:
Kung lagi ka na lamang naiipit sa traffic, marahil ay panahon na para i-consider mo ang isang home-based na trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 4
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kahit na marami kang pagkakamali, subukan mong itama ang mga ito para hindi ka na mapagalitan ng iba.
Love:
Couples: Magiging stressed ang iyong partner ngayong araw kaya naman gumawa ka ng paraan para makapagrelax siya.
Money/Career:
Mukhang magkakaroon ng pagbabago sa iyong mga lakad ngayong araw, kaya may ilan sa kanila ang hindi na matutuloy.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 5
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Subukan mong yayain ang iyong mga kasama sa isang galaan ngayong araw lalo na kung hindi masyadong maganda ang iyong mood.
Love:
Couples: Kung meron kang kailangan, sabihin mo ito sa iyong partner. Huwag mo na kasi daanin sa pagpaparamdam.
Money/Career:
Kung gusto mo talaga mapansin ng iyong boss, dapat ay galingan mo sa iyong trabaho para magstandout ka sa iba.
Lucky color: Silver
Lucky number: 6
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung hindi mo kayang harapin ang isang sitwasyon nang mag-isa, subukan mong humingi ng tulong sa iyong pamilya.
Love:
Couples: Sabihin mo kung ano ang iyong kailangan sa iyong partner. Marahil ay hindi niya nakukuha ang gusto mong iparating.
Money/Career:
Kung nagiging tamad na naman ang iyong mga kasama, ireport mo na sila sa iyong boss para naman mapagalitan sila.
Lucky color: Brown
Lucky number: 2
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mawawala rin ang ilan sa iyong mga problema kung papabayan mo ito. Pero hindi ibig sabihin ay hindi mo na aaksyunan ang iba pa.
Love:
Couples: May chance na magalit ka sa iyong partner ngayong araw lalo na kung may gagawin siyang ayaw na ayaw mo.
Money/Career:
Maging masipag ka lang palagi at tiyak naman na pagpapalain ka rin sa huli.
Lucky color: Pink
Lucky number: 11
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kahit na sunod-sunod ang pagdating ng mga problema, magagawa mo namang solusyunan ang lahat ng mga ito.
Love:
Couples: Huwag mo itago sa iyong partner ang iyong mga problema. Maging honest ka sa kanya lalo na kung nakikita niyang hirap ka.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 20
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung hindi mo kayang gawin ang isang bagay, sabihin mo ito kaagad para magawan pa ito ng paraan ng iba.
Love:
Singles: Huwag mo na ipressure ang iyong sarili dahil sa ibang tao. Gawin mo lang kung ano ang gusto mo at darating din ang tamang panahon para sa iyo.
Money/Career:
Huwag ka na masyadong magpastress sa isang bagay. Mas lalo lamang sasakit ang iyong ulo kung masyado mo itong pag-iisipan.
Lucky color: Red
Lucky number: 7
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung masyadong nahihirapan ang ibang tao, subukan mong tulungan sila lalo na kung marami ka namang free time.
Love:
Couples: Sundin mo na lamang ang sinasabi sa iyo ng iyong partner para solusyunan ang iyong problema.
Money/Career:
Kung may balak kang mag-invest sa isang bagay, siguraduhin mo muna na legal ito para hindi ka magkaroon ng problema sa hinaharap.
Lucky color: Black
Lucky number: 21
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Subukan mo munang pag-isipan nang mabuti ang iyong mga gagawin para naman wala kang pagsisihan sa huli.
Love:
Couples: Importante na may privacy pa rin kayo sa inyong relasyon. Hindi naman lahat ng lihim ay dapat ninyong alamin sa isa’t-isa.
Money/Career:
Maaaring maging hectic ang iyong trabaho ngayong araw kaya naman subukan mong magfocus muna sa mga ito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 29

