Aries (Mar 21 – Apr 19)
I-relax mo lang ang iyong isip. Huwag ka kaagad mabibigla at magpapanic sa maririnig mo mula sa iyong kaibigan.
Love:
Couples: Subukan mong yayain ang iyong partner na gawin ang isang outdoor activity lalo na kung hindi naman gaanong maulan.
Money/Career:
Huwag mong hayaang mainggit ka sa mga gamit ng iyong mga kasama. Makakabili ka rin ng ganun kung magiging matipid ka.
Lucky color: Red
Lucky number: 9
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kahit na hindi mo ito gusto, kailangan mong gawin ang isang bagay lalo na kung makakatulong naman ito sa iyong pamilya.
Love:
Singles: Okay lang naman na kiligin ka sa mga ginagawa niya sa iyo, pero huwag mo ito masyadong ipahalata sa kanya.
Money/Career:
Kahit na masipag ka, may mga tao talaga na gagawin ang lahat makita ka lang na nahihirapan.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 14
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag mo na ipagpilitan ang sarili mo sa taong wala namang care sa iyo dahil ikaw lang naman ang nasasaktan sa inyong dalawa.
Love:
Couples: Huwag mo na gawing kumplikado ang lahat. Simple lang naman ang kailangan mong gawin kaya huwag ka na OA mag-isip.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction.
Lucky color: Black
Lucky number: 4
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Okay lang na maging confident ka, pero dapat ay hindi ka pa rin maging careless sa iyong mga gawain.
Love:
Singles: Huwag mo na patulan ang isang tao lalo na kung alam mong hindi siya naghahanap ng isang seryosong relasyon.
Money/Career:
Huwag mong balewalain ang iyong health. Alagaan mo ang iyong sarili at uminom ng gamot kung kinakailangan.
Lucky color: Black
Lucky number: 12
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Bigyan mo ng second chance ang isang tao lalo na kung deserve naman niya ito at mukhang nagsisi na siya sa kanyang nagawa.
Love:
Singles: Kung palagi ka niyang pinapatawa, marahil ay sign na iyan na meron siyang pagtingin sa iyo.
Money/Career:
Mukhang bibilib ang iyong mga kasama sa iyong magagawa ngayong araw.
Lucky color: Cream
Lucky number: 9
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Gamitin mo ang charm mo para humingi ng favor sa isang tao, lalo na kung siya lang talaga ang makakatulong sa iyo.
Love:
Couples: Bumawi ka sa iyong partner, lalo na kung napapadalas ang pagiging busy mo dahil sa iyong mga gawain.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa batas ang trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 30
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maging positive ka lang palagi. May mga oras talaga na magiging malungkot ka, pero tandaan mo na meron ka namang makukuhang aral mula rito.
Love:
Singles: Mukhang meron kang secret admirer at siya ay nasa malapit lamang, kaya huwag ka na tumingin pa sa malayo.
Money/Career:
Huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa iyong mga kasama, lalo na kung masyado ka nang huli sa iyong mga gawain.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 7
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung nalilito ka kung ano ang dapat mong unahin sa iyong mga gawain, subukan mong gumawa ng schedule para meron kang susundan.
Love:
Singles: Subukan mong itreat ang iyong pamilya sa isang dinner sa labas. Chance ninyo na rin ito para makapagbonding kayo.
Money/Career:
Huwag ka basta-basta magagalit sa isang tao, lalo na kung hindi niya naman ito sinasadya.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 12
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mahirap man ang iyong pinagdaraanan, tiyak naman na meron kang kaibigan na handang tumulong sa iyo.
Love:
Couples: Kung merong kulang sa inyong relasyon, subukan mong kausapin ang iyong partner para naman magawan ninyo ito ng solusyon.
Money/Career:
Mukhang panahon na para gawan mo ng desisyon ang isang bagay na matagal nang bumabagabag sa iyo.
Lucky color: Black
Lucky number: 9
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag mo muna ipagkalat ang isang bagay sa ibang tao, lalo na kung hindi ka naman sigurado na totoo ito.
Love:
Singles: Kung masyado kang busy kamakailan, panahon na para bumawi ka sa iyong pamilya. Magbonding naman kayo kahit na saglit lang.
Money/Career:
Mukhang may magandang offer sa iyo, pero kung hindi mo ito kukunin agad, tiyak na may taong aagaw nito sa iyo.
Lucky color: Blue
Lucky number: 23
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung gusto mo na magkaroon kayo ng outing, dapat ay ikaw na mismo ang magplano nito para naman matuloy ito.
Love:
Couples: Huwag mo muna hamunin ang iyong partner tungkol sa isang bagay, dahil tiyak na ikaw ang uuwing luhaan.
Money/Career:
Kung maglalaan ka ng maraming oras sa iyong career, hindi malayong maging successful ka rito kaagad.
Lucky color: Green
Lucky number: 29
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang magiging moody ka ngayong araw, kaya naman mas mabuting lumayo ka muna sa mga makukulit na tao.
Love:
Singles: Mukhang muli mong makikita ang isang tao na naging bahagi ng iyong nakaraan. Huwag kang kabahan kapag nagkaharap kayo.
Money/Career:
May chance na magkaroon ng pagbabago sa iyong career, kaya naman humanda ka para sa mga ito.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 8

