Aries (Mar 21 – Apr 19)
Talasan mo ang iyong pakiramdam ngayong araw, dahil may chance na may taong makialam sa iyong mga gamit.
Love:
Singles: Kung hindi mo naman talaga gusto ang isang tao, huwag mo na siya paasahin para hindi na siya masaktan.
Money/Career:
Habaan mo na lamang ang iyong pasensiya dahil tiyak na magiging sakit sa ulo ang iyong mga kasama ngayong araw.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 10
Taurus (Apr 20 – May 20)
Galingan mo ngayong araw sa iyong mga gawain dahil may chance na may taong nakahanda na kumalaban sa iyo.
Love:
Couples: Huwag mo na lamang pigilan ang partner mo sa kanyang gustong gawin. Hayaan mo na muna siya para hindi na kayo magtalo pa.
Money/Career:
Mukhang hindi magiging maganda ang araw na ito para sa iyo, lalo na kung ang bubungad sa iyo ay problema kaagad.
Lucky color: Pink
Lucky number: 8
Gemini (May 21 – Jun 20)
Tawanan mo na lamang ang iyong mga kamalian ngayong araw, pero dapat ay gumawa ka rin ng paraan para maitama ang mga ito.
Love:
Couples: Subukan mong unahan ang iyong partner sa kanyang balak gawin para naman ma-motivate siya na bilisan ang kanyang kilos.
Money/Career:
Mukhang mahihirapan ka na tanggihan ang request ng isang tao, lalo na kung may atraso ka sa kanya.
Lucky color: Orange
Lucky number: 8
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Magfocus ka at makinig ka sa mga sinasabi sa iyo para naman hindi sila paulit-ulit at mainis nang tuluyan sa iyo.
Love:
Singles: Lapitan mo ang taong gusto mo at subukan mo siyang kausapin. Pagkakataon mo na ito para maging close sa kanya.
Money/Career:
Mas mabuting kalimutan mo na lang ang isang bagay, lalo na kung wala namang maidudulot na mabuti ito sa iyo.
Lucky color: Black
Lucky number: 25
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang wala ka sa posisyon para magdesisyon para sa ibang tao ngayong araw. Huwag ka na muna magpasya para hindi ka magkaroon ng problema.
Love:
Singles: Subukan mong baguhin ang iyong diet lalo na kung gusto mo talagang pumayat para sumexy ka sa paningin ng crush mo.
Money/Career:
Magtiwala ka sa iyong sarili. Kailangan mo lang ng tamang motivation para magawa mo ang sa tingin mo ay hindi mo kaya.
Lucky color: Blue green
Lucky number: 24
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Paghandaan mo ang isang bagay ngayong araw, lalo na kung ayaw mong magkamali at mapagalitan dahil dito.
Love:
Couples: Kulitin mo ang iyong partner ngayong araw. Subukan mong patawanin siya kahit na papaano.
Money/Career:
Magtiwala ka na lang sa iyong kutob, dahil mukhang malilito ka lang sa sasabihin ng ibang tao.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 13
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Subukan mong sumama sa iyong kaibigan ngayong araw. Malay mo, i-treat ka naman niya bilang kabayaran sa pagsama mo sa kanya.
Love:
Singles: Kung matagal mo na hinihintay ang taong nakalaan para sa iyo, marahil ay panahon na para ikaw na ang maghanap sa kanya.
Money/Career:
Magtiwala ka muna sa iyong desisyon, dahil may malaking chance na tumama ka.
Lucky color: Grey
Lucky number: 29
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung hindi ka masyadong interested sa iyong mga gawain, mahihirapan ka na tapusin ang mga ito sa oras.
Love:
Couples: Kung wala ka sa mood, sabihin mo ito sa iyong partner para naman hindi ka na niya kulitin pa.
Money/Career:
Magrelax ka na lang kaysa magmukmok sa isang bagay na alam mong hindi naman talaga mangyayari.
Lucky color: Red
Lcuky number: 25
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag mo na gawin ang isang bagay, lalo na kung hindi ka naman sigurado kung kaya mo itong tapusin.
Love:
Couples: Huwag ka na makipagtalo pa sa iyong partner. Makinig ka na lamang sa kanya para hindi na kayo mag-away.
Money/Career:
Para mabawasan ang stress mo, subukan mong makinig sa music habang gumagawa ka.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 19
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Tapusin mo ang iyong mga gawain, pero huwag mo itong madaliin masyado para naman hindi ka magkamali.
Love:
Singles: Mukhang may chance na magparamdam sa iyo ang iyong ex, lalo na kung parehas pa kayong available.
Money/Career:
Kung okay naman ang lahat, huwag ka na gumawa pa ng hakbang para baguhin ito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 8
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag ka na lamang magreklamo tungkol sa isang bagay ngayong araw. Magtiis ka na lang muna at dedmahin mo ito hangga’t kaya mo.
Love:
Couples: Huwag mo na muna pagbigyan ang partner mo sa kanyang gusto, lalo na kung alam mong nakasasama ito sa kanya.
Money/Career:
Huwag mo na muna intindihin ang ibang tao, lalo na kung hindi ka pa naman tapos sa iyong mga gawain.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 13
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Hindi man umagree sa iyo ang ilang tao, gawin mo lang ang sa tingin mo ang makakatulong sa iyo ngayong araw.
Love:
Singles: Huwag kang matakot na lapitan ang taong nagugustuhan mo. Malay mo, hinihintay ka rin pala niya na kausapin mo siya.
Money/Career:
Kung importante naman ang isang bagay, unahin mo na ito at huwag ka na tamarin para hindi ka na magkaproblema pa.
Lucky color: Grey
Lucky number: 2