in ,

Daily Horoscope: September 12, 2018 – Wednesday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Kaya kung meron kang matatanggap ngayong araw, magpasalamat ka pa rin kahit hindi iyon ang iyong inaasahan.
Love:
Couples: Kung naguguluhan ka sa mga kinikilos ng iyong partner, subukan mo siyang tanungin para hindi ka na mapraning.
Money/Career:
Maaaring magkamali ang iyong mga kasama sa kanilang mga gawain, kaya naman kung kaya mong tumulong, gawin mo ito.
Lucky color: Red
Lucky number: 25

Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag ka magpanic. Makakaisip ka rin ng solusyon para sa iyong problema. Pwede ka ring humingi ng tulong sa iba kung hindi mo talaga kaya.
Love:
Singles: Magaling kang makipagflirt sa ibang tao, pero huwag mo ito palaging gawin at baka walang sumeryoso sa iyo.
Money/Career:
Galingan mo sa iyong trabaho ngayong araw dahil may chance na bantayan ka ng iyong boss.
Lucky color: Purple
Lucky number: 13

Gemini (May 21 – Jun 20)
May malaking chance na may marinig kang tsismis tungkol sa iyo ngayong araw. Kung hindi naman ito totoo, huwag ka na magpaapekto.
Love:
Couples: Kung bored ka na sa relasyon ninyo, marahil ay panahon na para gumawa ka ng paraan para hindi masayang ang inyong pagsasama.
Money/Career:
Mapapagastos ka ulit ngayong araw, kaya naman bilhin mo lang ang mga bagay na talagang kailangan mo.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 6

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kailangan mo muna maseryoso ngayong araw. Marami ka pang kailangan gawin kaya naman bilisan mo para matapos mo agad ang mga ito.
Love:
Couples: Kung meron kang gustong irequest sa iyong partner, huwag ka na mahiya at sabihin mo na ito.
Money/Career:
Makukuha mo rin ang mga bagay na nais mo, kaya sa ngayon ay magsipag ka muna.
Lucky color: Purple
Lucky number: 29

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Bago mo simulan ang isang bagay, dapat ay malinaw sa iyo kung ano ang iyong dapat na gawin para hindi ito pumalpak.
Love:
Couples: Maaaring magkaproblema kayo ng iyong partner kapag nakialam ka sa kanyang desisyon. Mas mabuting hayaan mo na lang muna siya.
Money/Career:
Kung meron kang problema sa isang tao, sabihin mo ito nang maayos sa kanya para maging aware siya rito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 14

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung natatakot kang pumunta sa isang lugar na mag-isa, subukan mong yayain ang iyong kaibigan na samahan ka.
Love:
Couples: May malaking chance na masorpresa ka sa gagawin ng iyong partner ngayong araw. Maaaring matuwa ka rito.
Money/Career:
Bawas-bawasan mo ang pakikipagkwentuhan sa iyong mga kasama sa oras ng trabaho.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 2

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maaaring magkaroon ka ng problema ngayong araw at may malaking chance na may kinalaman dito ang iyong mga kamag-anak.
Love:
Couples: Panahon na para magbati kayo ng iyong partner kung nagkatampuhan kayo lately. Intindihin ninyo ang bawat isa.
Money/Career:
Mukhang magiging okay naman ang takbo ng iyong araw sa iyong trabaho, kaya hindi ka masyado maiistress.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 5

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag ka mag-alala. May mga kaibigan ka na handang sumuporta sa iyong mga desisyon. Hindi ka nag-iisa.
Love:
Singles: Mukhang may chance na makita mo ulit ang iyong ex. Maaaring ito na ang sign para magkabalikan kayo kung single pa rin siya.
Money/Career:
Mahirap man ang iyong mga gawain, tatagan mo lang ang loob mo dahil paniguradong kaya mo naman ang mga ito.
Lucky color: Green
Lucky number: 9

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kailangan ay mabilis ka makapag-adjust sa mga bagay-bagay ngayong araw. Meron kang karibal sa paligid kaya dapat ay mas galingan mo.
Love:
Singles: Kung hindi mo talaga gusto ang taong may pagtingin sa iyo, sabihin mo ito agad sa kanya para hindi na siya umasa.
Money/Career:
Kung naguguluhan ka sa iyong mga gawain, subukan mong ulitin ito at baka makuha mo na ito this time.
Lucky color: Purple
Lucky number: 30

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maaaring magkamali ka ngayong araw lalo na kung hindi mo pag-iisipang mabuti ang iyong gagawin. Mas mabuting humingi ka ng opinyon sa ibang tao.
Love:
Couples: Subukan mong yayain ang iyong partner sa isang resto na hindi ninyo pa napupuntahan. Magtry kayo ng something new ngayong araw.
Money/Career:
I-enjoy mo lang ang iyong trabaho at huwag mong hayaan na ma-consume ka nito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 11

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung hindi ka naiintindihan ng ibang tao, hindi mo naman kailangang mag-explain sa kanila. Gawin mo lang ang sa tingin mo ay tama.
Love:
Singles: May malaking chance na makasama mo ang crush mo ngayong araw. Huwag ka mataranta para hindi maging awkward ang lahat.
Money/Career:
Kung hindi ka makakakuha ng suporta mula sa ibang tao, maaaring mahirapan ka na magprogress sa iyong trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 22

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung hindi ka sigurado sa isang bagay, huwag mo muna ito gawin. Magresearch ka muna para hindi ka magkamali.
Love:
Couples: Huwag mo muna kontrahin ang iyong partner sa gusto niyang gawain. Hayaan mo na siya ang makaalam kung maganda ba ito o hindi.
Money/Career:
Iwasan mo munang magpautang ngayong araw para hindi ka magkaproblema sa hinaharap.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 18

Comments

Bristol at Parkway Place by Filigree at crest of south’s property growth

Maine Mendoza loves “sinigang na bangus” according to Pokwang