Daily Horoscope: October 12, 2018 – Friday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang may malaking chance na may taong umiwas sa iyo, lalo na kung may nagawa silang atraso sa iyo kamakailan.
Love:
Couples: Mukhang napapadalas ang pagiging busy mo sa iyong trabaho, kaya naman may chance na magtampo sa iyo ang iyong partner.
Money/Career:
Sundin mo na lamang ang sinasabi sa iyo ng boss mo, para hindi ka na rin masermonan pa.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 15

Taurus (Apr 20 – May 20)
May malaking chance na humanga sa iyo ang isang tao ngayong araw, lalo na kung ikaw lang ang nakagawa ng solusyon sa isang problema.
Love:
Couples: Kung going steady naman ang inyong relasyon, huwag na kayong matakot na i-level up ang inyong samahan.
Money/Career:
Marami ka namang pera, pero hindi naman ito unli. Kaya bago ka gumastos, icheck mo muna kung talagang kailangan mo ba ito.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 8

Gemini (May 21 – Jun 20)
Kapag pumayag ka na gawin ang isang bagay, panindigan mo ito para naman hindi ka masabihang paasa ng ibang tao.
Love:
Singles: Mukhang malaya ka naman na gawin ang gusto mo. Pero mag-ingat ka pa rin para hindi ka maloko ng iba.
Money/Career:
Maganda ang araw na ito para ilibre mo ang iyong mga kasamahan sa trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 26

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kailangan mo munang ayusin ang problema mo sa ibang tao, para naman magkaroon ka ng peace of mind.
Love:
Couples: Dapat ay habaan mo na lamang ang pasensiya mo sa iyong partner, pero pagsabihan mo rin siya kung kailangan.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa public sector ang trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 15

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag mo na i-deny sa iba ang totoo. Kailangan nila ito malaman para hindi na sila maloko pa ng iba.
Love:
Singles: Magaling ka makipag-flirt sa ibang tao. Pero kung palagi mo itong gagawin, walang tao ang serseryoso sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa education ang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 17

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang may tao na iistorbo sa iyo ngayong araw, pero tiyak na hindi ka magagalit kung malalaman mo kung sino ito.
Love:
Couples: Sundin mo na lamang sinasabi sa iyo ng partner mo, lalo na kung may point naman talaga siya.
Money/Career:
Matulog ka nang maaga para naman magkaroon ka ng maraming lakas kinabukasan.
Lucky color: White
Lucky number: 11

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang may malalaman ka tungkol sa isang tao ngayong araw at pwede mo itong ipang-asar sa kanya.
Love:
Couples: Pagbigyan mo na lamang ang gusto ng iyong partner sa ngayon. Pero pagsabihan mo siya para hindi siya umabuso.
Money/Career:
Maghigpit ka muna sa paggastos ngayong araw, dahil may chance na madelay ang iyong sahod.
Lucky color: Orange
Lucky number: 17

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag ka muna magpaistorbo sa iyong mga kaibigan ngayong araw para hindi ka na madelay sa iyong mga gagawin.
Love:
Couples: Kung going steady naman ang relasyon ninyo, marahil ay panahon na para kayong dalawa ay magpakasal.
Money/Career:
Sumagot ka sa mga inquiry sa iyo kung alam mo naman ang mga ito. Huwag mo na pahulain pa ang ibang tao.
Lucky color: Silver
Lucky number: 19

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Bago mo ibigay sa iba ang iyong gawa, siguraduhin mo muna na tama ang mga ito para hindi ka mapagalitan.
Love:
Couples: May malaking chance na magtalo kayo ng iyong partner ngayong araw tungkol sa isang maliit na bagay.
Money/Career:
Kunin mo ang opinyon ng boss mo tungkol sa isang bagay, lalo na kung may tiwala ka naman sa kanya.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 14

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag mo muna pilitin na gawin ang isang bagay, lalo na kung alam mo naman na kulang ka sa mga resources.
Love:
Couples: Makipagbati ka na kasi sa iyong partner para hindi na siya magtampo sa iyo. I-treat mo siya sa labas kung gusto mo.
Money/Career:
Mukhang mapapansin na ang galing mo sa iyong trabaho. Panahon na para magpasikat ka sa iyong boss.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 17

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung nakita mong nakikipag-away ang iyong kaibigan sa ibang tao, awatin mo siya atbaka mas lalo pa siyang mapahamak.
Love:
Singles: Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para ikaw ay pumasok sa isang relasyon, lalo na kung napepressure ka lang sa ibang tao.
Money/Career:
Huwag ka kaagad kumagat sa offer sa iyo ng ibang tao, lalo na kung feeling mo ay masyadong maganda ang offer nila.
Lucky color: Purple
Lucky number: 4

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang hindi mo kayang tuparin ang iyong pangako, kaya naman sabihin mo na ito kaagad sa tao para hindi na siya umasa pa.
Love:
Singles: Huwag ka na muna makialam sa problema ng ibang tao, lalo na kung feeling mo ay masisisi ka lang sa huli.
Money/Career:
Mukhang may chance na makapagtrabaho ka abroad dahil sa iyong career.
Lucky color: Green
Lucky number: 15

Comments

Loading...

Article Tags

daily horoscope437 horoscope438

Whats your reaction?

0

ABA'Y MATINDI

0

OK LANG

0

LOL

0

PAK NA PAK

Comments