Daily Horoscope: December 8, 2018 – Saturday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Madali ka talaga mapakiusapan. Iyon nga lang, masyado ka tuloy naaabuso ng ibang tao kaya dapat ay marunong ka ring tumanggi.
Love:
Singles: Kung hindi naman niya napapansin ang efforts na binibigay mo, marahil ay panahon na para magfocus ka na lang sa ibang tao.
Career:
Kung masyado kang nadadalian sa iyong mga ginagawa, may chance na magsawa ka kaagad sa mga ito.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 19 53 15 32 25 52

Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag ka na lamang magpaapekto masyado sa isang bagay na negative. Magfocus ka na lamang sa ibang bagay.
Love:
Couples: Kung napapansin mong kakaiba ang mga ikinikilos ng partner mo, marahil meron siyang bagay na ayaw niyang malaman mo.
Career:
Ikaw na mismo ang gumawa ng aksyon, lalo na kung gusto mong makakita agad ng progress.
Lucky color: sky blue
Lucky numbers: 26 4 13 37 2 28

Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang maeenjoy mo naman ang araw na ito, kaya mas mabuting magrelax ka lang at huwag na masyadong mag-isip.
Love:
Couples: Kahit na gusto mong iapproach ang partner mo, hindi ka niya papansinin lalo na kung may tampo pa siya sa iyo.
Career:
Kung palagi na lang kayong nag-aaway ng iyong kasama, wala talaga kayong matatapos na gawain.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 37 18 2 46 16 49

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang marami ang hihingi ng requests sa iyo ngayong araw kaya naman kung kaya mo silang pagbigyan, gawin mo ito.
Love:
Singles: Huwag kang mahiyang sumama sa iyong mga kaibigan, lalo na kung yayayain ka nilang lumabas at gumala.
Career:
Huwag ka mabibigla dahil may chance na hindi mo aasahan ang magiging sagot sa iyong problema.
Lucky color: Baby blue
Lucky numbers: 2 13 25 11 44 14

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag mo hayaang pigilan ka ng isang tao sa gusto mong gawin ngayong araw. Sundin mo kung ano ang iyong nais.
Love:
Couples: May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw, kaya naman magiging awkward sa iyo ang iyong partner.
Career:
Kung magkaiba ang opinyon ng iyong mga boss, tiyak na mahihirapan ka kung ano ba talaga ang gagawin mo.
Lucky color: Orange
Lucky numbers: 7 23 54 52 40 12

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang hindi mo rin magugustuhan ang ibibigay sa iyo ng isang tao ngayong araw, pero huwag mo na lamang ito ipahalata sa kanya.
Love:
Couples: May malaking chance na magkaroon ng tensyon sa inyong dalawa ngayong araw tungkol sa isang bagay na napag-usapan ninyo kahapon.
Career:
Kung nasasakal ka na sa iyong trabaho, hindi ito makakabuti para sa iyong pag-iisip.
Lucky color: Yellow
Lucky numbers: 12 35 13 51 29 3

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang madali mo lang naman masosolusyunan ang problema mo, kaya hindi ka masyadong maiistress dahil dito.
Love:
Couples: Handa ka naman na gawin ang gusto ng iyong partner, pero hindi pa rin niya makita ang efforts mo.
Career:
Kung wala ka namang maganda na sasabihin sa ibang tao, mas mabuting huwag ka na lamang magsalita.
Lucky color: Blue
Lucky numbers: 55 45 44 6 52 42

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag ka na maglagay ng effort sa isang bagay lalo na kung may tendency naman ito na hindi magtagal.
Love:
Couples: Para maging matibay ang inyong relasyon, subukan ninyong maghanap ng hobby na pwede ninyong sabay gawin.
Career:
Kung masyadong toxic ang iyong trabaho, marahil panahon na para maghanap ka ng bago.
Lucky color: White
Lucky numbers: 52 28 4 51 33 43

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Naiintindihan mo naman na kailangan mong mag-adjust sa isang bagay para maging matagumpay ito. Kakayanin mo kaya?
Love:
Couples: Huwag ka masyadong mainsecure sa ibang tao. Hayaan mo lang sila dahil sure naman na wala silang care sa iyo.
Career:
Kailangan mo na magsimula ulit sa umpisa, lalo na kung masyadong magulo na ang status ng iyong career sa ngayon.
Lucky color: Orange
Lucky numbers: 8 29 15 44 55 1

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang magiging busy ka ulit ngayong araw kaya naman huwag ka na masyadong magpaistorbo sa ibang tao.
Love:
Couples: Maiintindihan mo rin ang mga ginagawa ng iyong partner, kaya naman huwag ka na mapraning at magrelax ka.
Career:
Mukhang matutuwa ka sa iyong kasama ngayong araw, lalo na kung mabilis talaga siya magtrabaho.
Lucky color: Dark violet
Lucky numbers: 29 14 28 48 44 43

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang magagawa mo naman ang iyong mga gawain ngayong araw, kailangan mo lang na bilisan dahil marami ang mga ito.
Love:
Singles: Kung masyado ka pa ring isip-bata kung mag-isip, mas mabuting huwag ka na muna pumasok sa isang relasyon.
Career:
Ito na ang pagkakataon mo para magpakitang-gilas sa iyong boss.
Lucky color: Purple
Lucky numbers: 28 49 21 54 52 40

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka na mahiya na tanggapin ang isang bagay lalo na kung ibibigay naman ito sa iyo. Mas magandang kunin mo na ito bago pa ito ialok sa iba.
Love:
Singles: Alagaan mo muna ang iyong sarili. Magfocus ka rito para naman makita ng iba na worth it ka maging partner.
Career:
Mukhang maganda ang naiisip mo na idea. Huwag mo muna ito sabihin sa iba at baka unahan ka pa nila rito.
Lucky color: Grey
Lucky numbers: 49 22 31 16 52 5

Comments

Loading...

Article Tags

daily horoscope457 horoscope458

Whats your reaction?

0

ABA'Y MATINDI

0

OK LANG

0

LOL

0

PAK NA PAK

Comments