Talaga namang kinahuhumalingan na ngayon sa social media ang mga tinatawag na vertical shorts habang nagre-relax o nasa byahe. At ngayon ay bibida na rin ang mga Sparkle artist na sina Michael Sager at Ysabel Ortega sa ‘A Masked Billionaire Stole My Heart’ para sa kauna-unahang Kapuso vertical series.
Sey ng ilang netizens, “Wow! May bagong aabangan kay Michael! Sa wakas, heto na ang kanyang pagbabalik sa acting! @michaelsager_ at mukhang bagay sila ni pretty Ysabel. ❤️ @ysabel_ortega.”
Makakasama nila ang iba pang Kapuso artists na sina Roxie Smith at Luis Hontiveros. Mapapanood ng nasabing shorts sa BingoPlus App. Sinu-sino pa kayang Kapuso stars ang gagawa ng mga nakakakilig at nakakaintrigang vertical shorts? Abangan!
Unang eviction night ng PBB Celebrity Collab Edition 2.0 magaganap na ngayong Sabado!
Ipinakilala na noong Linggo ang unang mga nominado ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na nagmula sa grupo ng Rays of Sunshine na kinabibilangan nina Sparkle GMA Artist Center stars Waynona Collings at Princess Aliyah at Star Magic talents Reich Alim at Fred Moser.
Sa pagtatapos ng linggo, isang Kapuso at isang Kapamilya ang tuluyan nang lalabas ng Bahay ni Kuya. Tutukan gabi-gabi ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 sa GMA Prime at panoorin ang all-access stream sa GMANetwork.com.
.

