Marian Rivera has new leading men in her next movie projects


Tungkol sa mga movie projects ni Dennis Trillo ang pinag-uusapan namin kagabi, January 21, sa set ng Gagambino nang mapadako kami sa usapang Marian Rivera. Magkakasama kasi ang dalawang alaga ni Popoy Caritativo sa unang project ni Dennis para sa Regal Entertainment ngayong taon na ito, ang horror movie na Tarot.

Hindi matandaan ni Dennis kung ano ang titulo ng pelikula kung kaya’t tinanong namin ang direktor ng pelikula na nabanggit ni Dennis, si Jun Lana. Si Jun ang direktor ni Dennis sa Kulam nila ni Judy Ann Santos last year at siya na rin ang nagbigay ng titulo.

Ang Tarot naman ang pangalawang pagsasama nina Dennis at Marian sa pelikula. Pero sa una nilang pelikula, ang horror movie rin na Pamahiin, hindi sila ang magka-partner. Kasama nila rito sina Iya Vilania at Paolo Contis.

May idinagdag lang si Jun na baka unahin niyang idirek ang isa pang Marian movie from Regal na pagsasamahan nila ng isang ABS-CBN at Star Cinema leading man—si Vhong Navarro. Inaayos na raw ngayon ang paglabas ni Vhong sa Regal para i-partner kay Marian. Comedy ang pelikula at wala pang titulo

Source : pep.ph

Comments

Loading...
LIKE IT? SHARE WITH YOUR FRIENDS!

Article Tags

Dennis Trillo215 Marian Rivera531 Vhong Navarro152