Nitong first week lang ng July ay nakapili na ng bagong child star (see the link) ang GMA7 para gumanap sa isang importanteng role sa pinakabagong telefantasya ng GMA7 na “Iglot”. Siya nga ay si Milkach Wynne Nacion na gaganap bilang anak ni Claudine Barreto.
Nakapagfirst taping day na rin ang “Iglot” sa Arayat, Pampangga. Ang naunang location sana sa Albay ay hindi na natuloy dahil umuulan ngayon doon at mahihirapan silang makapagtaping.
Bukod kay Claudine ay makakasama pa ni Milkach sina Jolina Magdangal, Luis Alandy, Celia Rodriguez, Marvin Agustin at marami pang iba. Ang seryeng ito naman ay idederehe ni Direk Gil Tejada.