Bigatin hindi lang dahil sa budget kundi dahil sa cast ang pinakabagong drama na pinaplano ng GMA7. ‘Legacy’ na ang title na pagsasamahan ng dating magkaloveteam noon sa ABS-CBN (via ‘Hiram’) na sina Heart Evangelista at Geoff Eigenmann at nadagdagan pa nina Iza Calzado at TV Trinidad.
Wala pang balita kung kelan sisimulan ang series na ito at kung sino ang magdidirect nito. Pero siguradong marami na ang nag-aabang ngayon pa lamang kung ano ang kalalabasan ng seryeng ito.
