Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang ito na ang tamang panahon para kumuha ka muna ng break sa iyong hectic na schedule at magpahinga.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong OA mag-isip. Huwag mong gawing kumplikado ang isang simpleng bagay.
Money/Career:
Konti man ang sumusuporta sa iyo, at least alam mong may mga taong meron pa ring tiwala sa iyo.
Lucky color: Rose
Lucky number: 27
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung masyadong mabigat ang iyong problema, may chance na mahirapan kang gumawa ng desisyon para rito.
Love:
Singles: Mukhang magiging maswerte ka ngayong araw dahil may tao na tiyak na didiskarte sa iyo, para lang mapansin mo siya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa public sector ang trabaho.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 22
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang merong taong mag-iinvite sa iyo sa isang malayong lugar. Kung gusto mo ng adventure, sumama ka sa kanya.
Love:
Singles: Mukhang alam mo na kung ano ba talaga ang hinahanap mo sa iyong magiging partner. Good luck sa iyo!
Money/Career:
Maglaan ka ng maraming oras sa iyong trabaho, lalo na kung gusto mong maging successful kaagad dito.
Lucky color: Black
Lucky number: 29
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang may matatanggap ka na magandang balita ngayong araw at sasaya ang mood mo dahil dito.
Love:
Couples: Mag-ingat ka dahil may taong gustong sumira sa relasyon ninyo ng iyong partner. Maging aware sa iyong paligid.
Money/Career:
Kung may taong mag-offer sa iyo ng work, pag-aralan mo muna ito bago mo ito tanggapin.
Lucky color: Red
Lucky number: 15
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung hindi mo kayang tapusin ang iyong mga gawain on time, humingi ka ng tulong sa ibang taong may alam.
Love:
Couples: Maging romantic ka sa iyong partner sa araw na ito. Ipakita mo sa kanya na kaya mo pa rin siyang pakiligin.
Money/Career:
Magdesisyon kang mabuti para hindi ka magsisi sa huli.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 29
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag ka na masyadong magalit sa mga tao na hindi tumutupad sa kanilang pangako. Ang mahalaga, ikaw ay may isang salita.
Love:
Singles: Mukhang may taong gustong makipagkilala sa iyo. Gawin mo ang lahat para hindi siya maturn-off sa iyo.
Money/Career:
Mukhang magiging okay naman ang araw mo sa trabaho. Iwasan mo lang na tamarin.
Lucky color: Blue
Lucky number: 8
Libra (Sep 23 – Oct 22)
May malaking chance na maging pasaway ka ngayong araw, kaya naman sasakit na naman ang ulo ng mga taong makakasama mo.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na makita mo na ang taong nakatadhana sa iyo. Huwag mo lang masyadong taasan ang iyong expectations.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 12
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mag-ingat ka sa iyong mga kilos ngayong araw, dahil may malaking chance na may masaktan kang tao nang hindi mo sinasadya.
Love:
Singles: Magmuni-muni ka muna ngayong araw, para naman malaman mo na kung ano ba talaga ang hinahanap mo sa isang tao.
Money/Career:
Mag-ingat ka dahil may malaking chance na malugi ka sa isang investment.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 21
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang marami ang matutuwa sa magiging achievement mo ngayong araw. Gawin mo itong inspiration para gumaling pa lalo.
Love:
Couples: Kung may problema kayo, pag-usapan ninyo ito. Walang mapupuntahan ang tampuhan ninyo sa isa’t-isa.
Money/Career:
Kung marami na ang iyong ipon, marahil ay panahon na para magtayo ka ng iyong sariling business.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 1
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung hindi mo na ginagamit ang isang bagay, mas mabuting ibigay mo na lang ito sa iba para hindi na dumami ang iyong tambak.
Love:
Couples: Mukhang may malaking chance na hindi matuloy ang lakad ninyo ngayong araw. Okay lang iyon para makapagpahinga ka.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa health ang trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 16
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag ka na kumontra sa mga nangyayari sa iyong paligid. Sumabay ka na lang sa agos kung hindi mo alam ang dapat mong gawin.
Love:
Singles: Kung hindi mo pa rin nakikita ang taong nakalaan sa iyo, huwag ka panghinaan ng loob. Magpapakita rin siya sa iyo someday.
Money/Career:
Kung meron kang job interview sa mga susunod na araw, tandaan mo na dapat maging confident ka sa iyong magiging sagot.
Lucky color: Blue
Lucky number: 2
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung wala namang tiwala sa iyo ang isang tao, mas mabuting huwag mo na lang siyang pilitin at baka maging grabe lang ang lahat.
Love:
Singles: Kahit na gustong-gusto mo ang isang tao, hindi mo pa rin makayang sabihin sa kanya ang iyong nararamdaman.
Money/Career:
Bago mo tanggapin ang offer sa iyo, isipin mo muna ang magiging pros and cons nito.
Lucky color: Gold
Lucky number: 17