Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag mo sasabihin sa ibang tao ang iyong mga magagandang ideya dahil may chance na gawin nila ito at unahan ka sa paggawa.
Love:
Singles: Maglaan ka ng maraming oras sa iyong pamilya, lalo na kung parati ka na lang busy sa iyong mga gawain.
Money/Career:
Kung hindi na nakakatulong sa iyo ang isang tao, marahil ay panahon na para magpaalam ka sa kanya.
Lucky color: Purple
Lucky number: 26
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang ito na ang tamang panahon para bilhin mo ang isang bagay, lalo na kung sapat na ang pera na iyong naipon.
Love:
Singles: Mukhang may planong bumisita sa inyo ang iyong mga kamag-anak, kaya naman huwag mong kalimutan na linisin ang inyong bahay.
Money/Career:
Kung hindi mo talaga gusto ang iyong trabaho, maaaring hindi ka magtagal dito at mas mabuting maghanap ka na lamang ng iba.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 7
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang magagawa mong tapusin ang isa sa iyong mga gawain na matagal mo nang naumpisahan. Magkakaroon ka na ulit ng mahabang free time dahil dito.
Love:
Couples: Huwag ka maglihim sa iyong partner para naman hindi siya maghinala sa mga kinikilos mo.
Money/Career:
Intindihin mo na lamang ang ibang tao. Tandaan mo na hindi sila mabilis mag-adjust tulad mo.
Lucky color: Blue
Lucky number: 1
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag ka muna sumama sa mga outing. Mas mabuting magtipid ka muna at magpahinga dahil tiyak na kailangan ito ng iyong katawan.
Love:
Couples: Kung seryoso ka talaga sa iyong partner, dapat ay hindi mo sa kanya pinaparamdam na meron siyang pagkukulang.
Money/Career:
Ayusin mo agad ang mga maliliit na bagay para hindi na lumala pa ang mga ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 26
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kailangan mo munang magtiwala sa isang tao ngayong araw, lalo na kung siya lang talaga ang taong maaasahan mo para sa isang gawain.
Love:
Couples: Huwag ka muna maging makulit ngayong araw dahil may chance na awayin ka ng iyong partner dahil dito.
Money/Career:
Kung merong mag-aalok sa iyo ng isang sideline, tanggapin mo ito lalo na kung kailangan mo talaga ng dagdag na pera.
Lucky color: violet
Lucky number: 4
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag mo na pansinin ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa iyo. Kung alam mo naman ang iyong ginagawa, ituloy mo lang ito.
Love:
Singles: Kung hindi naging successful ang iyong love life kamakailan, maaaring hindi talaga siya ang taong nakalaan para sa iyo.
Money/Career:
Hindi porke mahal ang isang bagay ay iyon na agad ang bibilhin mo. Marami namang gamit na mura na, may quality pa.
Lucky color: Blue
Lucky number: 14
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung hindi mo sure ang isang bagay, huwag mo muna ito gawin para naman hindi ka magsisi sa huli.
Love:
Couples: May chance na may ihandang sorpresa sa iyo ang iyong partner. Huwag mo kalimutang magpasalamat sa kanya.
Money/Career:
Kung masama ang iyong pakiramdam, mahihirapan ka lang kumilos kaya mas mabuting umabsent ka muna.
Lucky color: Light green
Lucky number: 13
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag ka na mag-effort sa isang bagay, lalo na kung hindi rin naman icoconsider ng ibang tao ang iyong mga idea.
Love:
Couples: Kung may gusto kang sabihin sa iyong partner, diretsyuhin mo na siya dahil tiyak na hindi niya magegets ang ibig mong sabihin.
Money/Career:
Hindi mo kailangang magmadali sa paggawa ng desisyon. Take your time at baka mag-iba pa ang iyong isip.
Lucky color: Grey
Lucky number: 19
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag mo agad susukuan ang isang bagay. Anuman ang maging resulta nito, dapat ay ipagpatuloy mo ito dahil iyon naman ang mas importante.
Love:
Singles: Bago ka maghanap ng taong magmamahal sa iyo, dapat ay mahalin mo muna ang iyong sarili.
Money/Career:
Mukhang makakapagfocus ka nang maiigi ngayong araw kaya naman matatapos mo ang karamihan sa iyong mga gawain nang maaga.
Lucky color: Orange
Lucky number: 7
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka mahiyang humingi ng advice sa ibang tao lalo na kung hindi mo talaga alam kung ano ang iyong dapat na gawin.
Love:
Singles: Mukhang may taong magkikipagflirt sa iyo ngayong araw. Huwag ka muna kikiligin dahil may chance na hihingi lang siya ng favor sa iyo.
Money/Career:
Huwag mo na pahirapan ang iyong mga kasama. Hayaan mo na lamang sila sa kanilang mga gawain at huwag ka na makialam.
Lucky color: Pink
Lucky number: 20
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Tumulong ka lang sa ibang tao hangga’t kaya mo. Tiyak naman na tutulungan ka rin nila kapag ikaw naman ang nangailangan.
Love:
Singles: Mukhang nakita mo na ang taong nakalaan para sa iyo at may chance na isa siya sa iyong mga kaibigan.
Money/Career:
Tapusin mo agad ang mga gawain na iuutos sa iyo para hindi ka na mapagalitan pa.
Lucky color: Grey
Lucky number: 14
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag mo na masyadong isipin ang isang bagay lalo na kung maliit lamang ito. Masasayang lang ang iyong oras kung pagtutuunan mo pa ito ng pansin.
Love:
Couples: Ingatan mong mabuti ang iyong mga sasabihin dahil may chance na hindi ito magustuhan ng iyong partner.
Money/Career:
Huwag ka na masyadong malungkot kung hindi naging okay ang iyong mga gawain. Bumawi ka na lang next time.
Lucky color: Blue
Lucky number: 3