in ,

Daily Horoscope: August 30, 2018 – Thursday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag na kasi matigas ang ulo. Sundin mo na lamang ang sinasabi sa iyo ng iba para naman hindi ka na nila kulitin pa.
Love:
Couples: Kung may balak na subukan ang iyong partner, suportahan mo siya kahit na hindi mo ito gusto.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa service sectors ang trabaho.
Lucky color: Light green
Lucky number: 12

Taurus (Apr 20 – May 20)
Iwasan mo munang kumain ng pagkain na nabibili sa kalsada dahil may malaking chance na sumakit ang iyong tiyan dahil dito.
Love:
Couples: Habaan mo na lamang ang pasensiya mo sa iyong partner. Kahit na pasaway siya, loyal naman siya sa iyo.
Money/Career:
Huwag ka tamarin sa iyong mga gawain. Kumilos ka kaagad para hindi ka matambakan.
Lucky color: Dark blue
Lucky number: 29

Gemini (May 21 – Jun 20)
Alagaan mo ang iyong katawan. Huwag ka na masyadong magpuyat para naman gumanda rin ang awra mo.
Love:
Couples: I-enjoy mo na lang ang araw na ito kasama ang iyong partner. Pwede kayong pumunta sa isang lugar na memorable sa inyo.
Money/Career:
Tandaan mo na kapag sinimulan mo na ang isang bagay, gawin mo ang lahat para matapos ito.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 19


Tech Jungle: VIVO V17 PRO Review


Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Maaaring makatanggap ka ng isang magandang advice galing sa iyong kaibigan. Sundin mo ito dahil may point naman talaga siya.
Love:
Singles: Kung gusto mong magustuhan ka ng ibang tao, dapat ay maganda ang first impression nila sa iyo.
Money/Career:
Huwag ka na muna makialam sa gawa ng iba para hindi ka nila masisi.
Lucky color: Green
Lucky number: 4

Leo (Jul 23 – Aug 22)
May malaking chance na sumakit ang iyong tiyan, lalo na kung hindi mo tinitingnan kung malinis ba ang pagkain na inaalok sa iyo.
Love:
Singles: Huwag ka na magdalawang-isip pa. Kung gusto mo talaga siya, i-pursue mo na siya kaagad bago ka pa maunahan ng iba.
Money/Career:
Bago mo gawin ang ibang bagay, siguraduhin mo tapos mo na ang kasalukuyan mong ginagawa.
Lucky color: Blue
Lucky number: 10

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung may gumugulo sa iyo, sabihin mo ito sa iyong kaibigan at baka may maganda siyang maipayo sa iyo.
Love:
Singles: Huwag ka na lamang makialam sa problema ng ibang tao dahil may chance na isabit ka nila rito.
Money/Career:
Mukhang may chance na makatanggap ka ng bonus galing sa iyong boss.
Lucky color: Green
Lucky number: 14

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Umiwas ka na lamang sa mga taong wala namang sense kausap. Masisira lang ang araw mo sa kanila kapag pinatulan mo pa sila.
Love:
Singles: Panahon na para makapag-move on ka. Nangyari na ang nangyari kaya naman wala ka nang magagawa.
Money/Career:
Kung gusto mo talaga ang trabahong pinasukan mo, gawin mo ang lahat para hindi ka matanggal dito.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 10

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung meron kang sariling business, may malaking chance na mapalago mo ito at maaaring magkaroon ka pa ng branch.
Love:
Singles: Nasa paligid mo lang ang taong matagal mo na hinihintay. Kailangan mo lang na linawan ang iyong paningin.
Money/Career:
Nakakabawi ka na kahit papaano, kaya naman iwasan mo muna ang paggastos ng malaki ngayong linggo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 6

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung nabo-bore ka na sa sarili mo, subukan mong palitan ang iyong outfit at mag-experiment ka sa mga ito.
Love:
Couples: Ikaw lang ang makakapagpasya kung itutuloy mo ba ang isang bagay o idedelay muna habang wala pang nangyayari.
Money/Career:
Maging masipag ka sa iyong trabaho, lalo na’t may malaking chance na magiging mainit ang ulo ng iyong boss.
Lucky color: Orange
Lucky number: 15

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Iwasan mong maging negative ngayong araw. Mas mabuting kumain ka na lamang para naman gumanda ang mood mo.
Love:
Singles: Mukhang may chance na makita mo ulit ang iyong ex at maaaring may hatid siyang balita sa iyo.
Money/Career:
Iwasan mo munang gumastos ngayong araw dahil kakailangan mo ang pera sa mga susunod na araw.
Lucky color: Blue
Lucky number: 5

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang magagawa mo naman lahat ng iyong mga gawain ngayong araw kaya hindi ka mapapagalitan at masesermonan.
Love:
Couples: Mukhang may chance na mawala sa mood ang iyong partner, lalo na kung may ginawa ka na kinaiinisan niya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa health ang trabaho.
Lucky color: Light green
Lucky number: 7

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Bago ka pumayag sa suggestion ng ibang tao, suriin mo muna ito at baka inuuto ka lang pala niya.
Love:
Couples: Bigyan mo ng privacy ang iyong partner para naman maging healthy ang inyong relasyon. Hindi naman lahat ng bagay ay kailangan mong alamin tungkol sa kanya.
Money/Career:
May malaking chance na maging maswerte ang araw na ito lalo na kung naghahanap ka ng trabaho.
Lucky color: Neon green
Lucky number: 10

Comments

Written by Adrian Bigno

Civil engineer by degree, photographer and graphic designer by heart.

IS THIS LEGIT? Janno Gibbs figures in a photo scandal

KathNiel’s “The Hows Of Us” smashes Box-Office Records on its Opening Day