Daily Horoscope: December 7, 2018 – Friday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang ito na ang tamang panahon para simulan mo ang isang bagay na ipinangako mo sa iyong kaibigan na gagawin mo.
Love:
Singles: Subukan mong gumawa o maghanap ng bagong hobby para naman hindi ka maging boring sa iyong mga kasama.
Money/Career:
Huwag mong hayaan na maipit ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman plinano o ginusto.
Lucky color: Brown
Lucky numbers: 39 38 53 34 22 44

Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang may maaalala ka ngayong araw na tiyak naman na sisira ng araw mo. Mas mabuting gawing busy ang sarili para hindi mo ito masyadong makaapekto sa iyo.
Love:
Couples: Kung hindi mo na talaga kaya ang partner mo, marahil ay mas mabuting hayaan mo na lang siya sa gusto niyang gawin.
Money/Career:
Huwag ka masyadong magpapressure sa ibang tao. Mas mabuting mabagal ka gumawa kesa naman magkamali ka.
Lucky color: Lavender
Lucky numbers: 36 56 24 9 55 47

Gemini (May 21 – Jun 20)
Kailangan mong maging focused sa iyong mga gawain lalo na kung gusto mo talagang maging tama ang mga ito.
Love:
Singles: Panahon na para aminin mo sa isang tao ang iyong nararamdaman dahil may malaking chance na maunahan ka ng iba.
Money/Career:
Kahit na magaling ka sa iyong mga gawain, kung hindi mo naman alam kung ano ang goal na gusto mo, mahihirapan ka rin sa huli.
Lucky color: Sky blue
Lucky numbers: 4 48 40 8 29 49

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang ikaw lang talaga ang makakakumpleto ng iyong mga gawain, kaya naman huwag mo na iasa pa ang mga ito sa iba.
Love:
Singles: Maging masaya ka na lamang sa mga bagay na matatanggap mo. Huwag ka na masyadong mag-expect at baka madisappoint ka lang.
Money/Career:
Bago mo simulan ang isang bagay, siguraduhin mo muna na alam mo kung ano ang ginagawa mo para hindi masayang ang oras mo.
Lucky color: Yellow
Lucky numbers: 39 26 50 25 41 56

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Magfocus ka na lamang sa mga bagay na makakapagpasaya sa iyo. Huwag mo na gawing toxic ang araw mo.
Love:
Couples: Hayaan mo na muna ang partner mo sa gusto niyang gawin. Marerealize din naman niya sa huli kung tama o mali ba ang kanyang ginagawa.
Money/Career:
Hindi porke kaya mong gawin ang isang bagay ay gagawin mo na ito agad-agad. Isipin mo muna kung kailangan ba talaga ito.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 12 33 52 29 16 13

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Dapat ay handa ka rin mag-adjust sa mga bagay-bagay, lalo na kung wala ka na talagang magagawa.
Love:
Couples: Alam ninyo naman kung ano ang kailangan ninyong gawin, pero mahihirapan talaga kayo na gawin ito.
Money/Career:
Huwag kang matakot na ishare sa ibang tao ang nalaman mo kung confident ka naman na totoo ito.
Lucky color: Sky blue
Lucky numbers: 16 3 17 49 35 55

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Ikaw lang ang makakagawa ng isang bagay kaya naman umpisahan mo na ito at huwag mo na paasahin pa ang iba.
Love:
Couples: Mukhang magiging malala lang ang inyong problema. Mas mabuting bigyan ninyo muna ang isa’t-isa ng space.
Money/Career:
Mukhang magiging okay naman ang araw mo sa iyong trabaho kaya makakapagrelax ka pag-uwi mo.
Lucky color: White
Lucky numbers: 10 21 54 53 32 42

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung nahihirapan ka na gawin ang isang bagay, iwan mo muna ito at saka mo na balikan kapag maganda na ang mood mo.
Love:
Couples: Huwag mo muna pakialaman ang iyong partner sa kanyang mga gawain, lalo na kung alam naman niya ang kanyang ginagawa.
Money/Career:
Bago ka magsalita, isipin mo muna kung meron kang masasaktan na tao.
Lucky color: Blue
Lucky numbers: 56 46 42 45 16 12

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maging open ka sa idea ng ibang tao. Huwag mo masyadong maliitin ang suggestions nila at subukan mong makinig.
Love:
Couples: Kung hind mo mapilit ang partner mo sa gusto mo, huwag mo na ito ipagpilitan pa at baka mabadtrip lang siya sa iyo.
Money/Career:
Gawin mo na agad sa umaga ang iyong mga gawain para pagsapit ng hapon ay wala ka na masyadong gagawin pa.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 38 3 16 32 53 48

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka masyadong magmadali sa iyong mga gawain dahil may malaking chance na magkamali ka sa mga ito.
Love:
Singles: Subukan mo muna ang isang bagay bago mo ito tanggihan. Malay mo, magugustuhan mo rin pala ito sa huli.
Money/Career:
Magstick ka sa schedule mo para naman hindi ka masyadong madelay ang iyong mga gawain.
Lucky color: Sky blue
Lucky numbers: 36 58 38 14 7 35

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Magaling ka magpayo sa iba, pero dapat ay marunong ka ring makinig sa mga sinasabi nila sa iyo.
Love:
Singles: Kahit na gusto mo maging maayos ang lahat, may mga pagkakataon talaga na hindi mo makokontrol.
Money/Career:
Magtiwala ka sa iyong sarili at huwag ka palaging umaasa sa ibang tao.
Lucky color: Blue
Lucky numbers: 57 41 49 18 38 33

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kailangan mo na gumawa ng desisyon para naman makapagmove on ka na sa iyong mga gawain dahil marami-rami pa ang nasa iyong listahan.
Love:
Couples: Maging honest ka na lang sa iyong partner. Kung meron kang hindi gusto, huwag kang mahiyang sabihin ito sa kanya.
Money/Career:
Huwag ka masyadong seryoso sa buhay dahil tiyak na mabilis kang tatanda niyan.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 48 55 29 43 19 46

Comments

Loading...

Article Tags

daily horoscope457 horoscope458

Whats your reaction?

0

ABA'Y MATINDI

0

OK LANG

0

LOL

0

PAK NA PAK

Comments