Aries (Mar 21 – Apr 19)
Bago mo sabihin ang isang bagay, siguraduhin mo muna na totoo ito para hindi ka mapahiya sa kanila sa huli.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong demanding sa iyong partner, lalo na kung may gusto kang ipabili sa kanya. Mas mabuting magtipid muna kayo.
Career:
Hindi naman masama ang plano mo, pero may chance pa rin na pumalpak ito.
Lucky color: White
Lucky numbers: 2 9 47 51 17 38
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang konti lang ang matatapos mo ngayong araw lalo na kung palagi kang kinukulit ng ibang tao.
Love:
Singles: Kung attracted ka talaga sa kanya, ikaw na ang gumawa ng first move at baka maunahan ka pa ng iba.
Career:
Kung naghahanap ka ng trabaho, subukan mong magtanong sa mga kaibigan mo at baka may alam silang pwede mong applyan.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 28 10 9 42 22 12
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang kukulangin ka sa oras ngayong araw, kaya naman mas mabuting humingi ka ng tulong sa iyong mga kasama.
Love:
Singles: Hindi mo mapapansin na may taong pumuporma sa iyo, dahil may malaking chance na wala ka talagang pagtingin sa kanya.
Career:
Huwag ka na lamang makinig sa sinasabi ng ibang tao, lalo na kung hindi naman ito totoo.
Lucky color: White
Lucky numbers: 41 26 31 40 17 32
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Para hindi ka na paulit-ulit, gawin mong simple ang iyong instructions para hindi ka na rin kulitin pa nila.
Love:
Singles: Huwag kang magtaka kung medyo awkward sa iyo ang ibang tao. Mag-isip ka kasi muna bago ka magsalita.
Career:
Maging positive ka lang ngayong araw. Ngumiti ka para naman gumaan ang pakiramdam mo.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 7 8 33 34 10 35
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung magbibigay ka ng instruction sa ibang tao, dapat ay liwanagin mo ito para hindi na sila magtanong pa sa iyo.
Love:
Singles: Huwag mo muna husgahan ang isang tao lalo na kung hindi mo naman siya talagang kilala. Bigyan mo siya ng chance.
Career:
Maghinay-hinay ka lang kasi para hindi na dumami pa ang mga maling gawa mo.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 29 28 17 3 7 40
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Okay lang na madaliin mo ang iyong mga gawain. Siguraduhin mo lang na tama ang iyong ginagawa para hindi masayang ang oras mo.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong magdemand sa iyong partner, lalo na kung siya na lang palagi ang hinihingian mo ng tulong.
Career:
Mukhang makukuha mo na ngayong araw ang matagal mo na hinihintay.
Lucky color: Purple
Lucky numbers: 26 48 44 27 37 50
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Magfocus ka sa mga bagay na importante, bago mo unahin ang ibang bagay. Gumawa ka ng schedule kung makakatulong ito sa iyo.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na mainlove sa iyo ang isa sa iyong mga kaibigan at may hinala ka kung sino ito.
Career:
Ayusin mo ang iyong workplace para naman ganahan ka at hindi masyadong mastress.
Lucky color: Navy blue
Lucky numbers: 41 55 16 27 45 40
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang okay naman ang nakuha mong bagay kaya dapat ay maging masaya ka na lang. Huwag mo na hangarin ang isang bagay na malayong mapunta sa iyo.
Love:
Singles: Huwag ka kaagad magpapadala sa mga sinasabi niya. Mas magandang nakikita mo ang efforts niya.
Career:
Kung may problema sa iyo ang isang tao, ikaw na ang lumapit sa kanya para naman maayos ninyo na ito.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 42 49 18 7 25 13
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kahit na maging negative ka, nandiyan naman ang mga kaibigan mo para pasayahin ka. Buti na lang maswerte ka sa kanila.
Love:
Singles: Huwag kang mahiya na kausapin siya ngayong araw. Lumapit ka na dahil hindi naman nangangagat iyon.
Career:
Huwag mo na lamang ituloy ang naiisip mo, lalo na kung merong taong masasaktan.
Lucky color: orange
Lucky numbers: 32 8 7 17 2 39
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka kaagad magpapauto sa sasabihin sa iyo ng iyong mga kaibigan dahil may chance na pagtripan ka nila.
Love:
Singles: Huwag mo na sayangin ang oras mo sa isang tao na wala namang pakialam sa iyo. Mas mabuting ibaling mo na lang ang atensyon mo sa iba.
Career:
Magstick ka muna sa mga bagay na subok na. Huwag ka na mag-experiment at baka mas lalo pang lumala ang sitwasyon.
Lucky color: Cream
Lucky numbers: 53 35 24 16 32 12
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag ka kaagad ma-upset sa isang bagay lalo na kung hindi ka naman sigurado na pwede itong mangyari.
Love:
Couples: Mas makakabuti kung mananatili ka na lamang sa iyong bahay ngayong araw at maspass ka muna sa paggala.
Career:
Isulat mo na kasi ang mga idea mo bago mo pa ito makalimutan.
Lucky color: sky blue
Lucky numbers: 50 24 25 1 41 43
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kailangan mong magtiwala sa isang tao ngayong araw, lalo na kung siya lang talaga ang taong makakatulong sa iyo.
Love:
Couples: Mukhang may chance na sorpresahin ka ng iyong partner ngayong araw, pero huwag ka masyadong ma-hype tungkol dito.
Career:
Hindi mawawala ang tensyon sa iyong trabaho lalo na kung hindi mo ito iaakyat sa iyong manager.
Lucky color: Black
Lucky numbers: 2 15 8 23 16 40