in ,

Judy Ann Santos gets birthday surprise from AshMatt, Regine Velasquez, and Sharon Cuneta in Paano Kita Mapasasalamatan

Pasasalamat at pagbibigay-pugay ang hatid na mensahe ng mga kaibigan, kapamilya, at katrabaho ni Judy Ann Santos-Agoncillo sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa isang special episode ng Kapamilya docu-drama na “Paano Kita Mapasasalamatan” ngayong Sabado (Mayo 22).

Pasasalamat at pagbibigay-pugay ang hatid na mensahe ng mga kaibigan, kapamilya, at katrabaho ni Judy Ann Santos-Agoncillo sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa isang special episode ng Kapamilya docu-drama na “Paano Kita Mapasasalamatan” ngayong Sabado (Mayo 22).

Magsisilbing host ang King of Talk na si Boy Abunda sa episode kung saan sosorpresahin si Juday ng ilan sa pinakamatatalik niyang kaibigan sa industriya tulad nina Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli, Regine at Ogie Alcasid, Iza Calzado, Jolina Magdangal, at Sharon Cuneta.



Ibibida rin sa episode ang kwento ng tatlong taong taos-pusong nagpapasalamat kay Juday dahil sa pagtrato sa kanila bilang pamilya at sa mga oportunidad na ipinagkaloob nito sa kanila. Kabilang na rito si Jess Osida, isang retired talent coordinator sa ABS-CBN at ang unang kumupkop kay Juday bilang manager.

Itatampok din ang kwento ni Jyzelle Yu, ang head chef ng restaurant ni Juday, at ni Jinkie Paglumotan, isang avid fan na tinulungan ng aktres nang ma-diagnose siya ng brain cancer.

Panoorin ang special birthday episode para kay Juday sa “Paano Kita Mapasasalamatan” ngayong Sabado (Mayo 22), 7 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at ABS-CBN Entertainment Facebook page, iWantTFC, at TFC.



Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

Powfu drops melancholy and vulnerable new song ‘The Long Way Home’

To join politics? Doland Castro retires from his broadcasting career in ABS-CBN