Nag-uumpisa mang lumamig ang simoy ng hangin, tiyak paiinitin naman ng ilang Kapuso stars ang Palawan at Zamboanga sa kanilang pagbisita at paghahatid ng di-matatawarang kasiyahan courtesy of GMA Regional TV.
Good vibes at positive energy ang paniguradong dala nina Shaira Diaz, EA Guzman, Lianne Valentin, at Ronnie Liang sa makulay na selebrasyon ng Subaraw Biodiversity Festival 2025 sa November 6. Maki-party kasama sila sa fun-filled #KapusoFiesta sa Sabang Wharf, Brgy. Cabayugan, Puerto Princesa City sa ganap ng 9 ng gabi.
Hindi rin s’yempre pahuhuli sa kasiyahan ang mga Kapuso mula Zamboanga dahil kaleidoscope of stars ang bubungad sa kanila sa pagbisita nina Sparkle stars Michael Sager, AZ Martinez, Vince Maristela, at Chanty Videla. Join the fun at huwag palampasin ang mga inihanda nilang sorpresa sa #KapusoMallShow sa KCC Mall de Zamboanga sa ganap na 5 ng hapon.
Siguradong magiging fun at unforgettable ang buong Nobyembre ng mga Kapuso sa regions dahil sa mainit na umpisa ng buwan. Mark your calendars, mga Kapuso!

