Noong Martes lang ay nagkaroon kami ng scoop tungkol sa pagpasok ni Hero Angeles bilang bagong character sa fantaseryeng pinagbibidahan ni Richard Gutierrez sa GMA Telebabad na Captain Barbell (see the link). Isa nga siya sa ilan pang madadagdag na tauhan sa Book 2 ng fantaseryeng ito.
Mahusay si Hero Angeles na produkto ng artista-search ng ABS-CBN na Star Circle Quest kaya naman nakakapanghinayang na on and off ang career niya sa showbiz. Marami ang umaasang seseryosohin na niya ito this time dahil hindi na siya bumabata. Siguradong mahihirapan na siyang makabalik kung hindi na naman niya pagbubutihan ang another chance na ito.
1 Comment
seryoso naman si hero sa career nya , si kuya germs mismo ang makakapagpatunay. sabi nga ni kuya germs never nagbigay ng problem sa gma si hero. talaga lang nagkakaroon ng problema na hindi naman mismo si hero ang may gawa.