in ,

Daily Horoscope: October 20, 2017 – Friday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
May mangyayaring hindi maganda ngayong araw. Hindi naman ito grabe, pero tiyak na may impact pa rin ito sa iyo kahit papaano.
Love:
Couples: Magiging emosyonal ka ngayong araw kaya naman iwasan mo munang gumawa ng mga mabibigat na desisyon.
Money/Career:
Magconcentrate ka lamang sa iyong trabaho at tiyak na makukuha mo ang promotion na iyong inaasam.
Lucky color: Green
Lucky number: 10

Taurus (Apr 20 – May 20)
Maaaring may taong gumabay sa iyo ngayong araw. Maaaring matulungan kanya sa isang bagay kung saan ka nahihirapan.
Love:
Couples: Sundin mo ang advice sa iyo ng iyong partner. Kahit hindi mo ito gusto, kailangan mo itong gawin para sa iyong ikabubuti.
Money/Career:
Marami ang nakahandang tumulong sa iyo. Basta marunong ka rin dapat na magpasalamat sa kanila.
Lucky color: Green
Lucky number: 15

Gemini (May 21 – Jun 20)
Maraming mga bagay ang hindi aayon sa iyong kagustuhan ngayong araw. Kaya naman habaan mo na lang ang iyong pasensiya para hindi ka masyadong ma-stress.
Love:
Couples: May bagong susubukan ang iyong partner at dapat mong iwasan na pagtawanan siya tungkol dito.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong nag-aaral para sa paparating na exam.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 8

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kailangan mo na gumawa ng desisyon tungkol sa isang issue sa iyong buhay. Huwag mo na ito patagalin para hindi ka na lalong mahirapan.
Love:
Couples: Habaan mo ang iyong pasensiya sa iyong partner. Kung mabilis kang mainis sa kanya, mag-aaway lang kayo buong araw.
Money/Career:
May pagbabago na darating sa iyong trabaho. Maaaring mailipat ka ng department o kaya’y ma-promote sa iyong trabaho.
Lucky color: Sky blue
Lucy number: 26

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maaaring magkaproblema ka habang bumibyahe. Kaya naman magplano ka na ng ibang ruta kung sakaling magkaaberya kayo sa daan.
Love:
Singles: Malaki ka na kaya dapat ay alam mo na kung ano ang tama at mali. Kung ano man ang iyong desisyon, dapat ay marunong kang panindigan ito.
Money/Career:
Maaaring magkaroon ng pagtatalo sa iyong trabaho ngayong araw. Kung wala ka namang kinalaman dito, mas mabuting huwag ka na lang makialam.
Lucky color: Blue
Lucky number: 17

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung hindi na nakakatulong sa iyo ang mga dati mong ginagawa, marahil ay panahon na para sumubok ka ng bago.
Love:
Couples: Maglaan ka ng oras sa iyong partner. Kahit na busy ka sa iyong career, huwag mo pa ring kalimutan na kamustahin siya.
Money/Career:
Kung meron kang inaalala, sabihin mo ito sa iyong mga kasama. Nandiyan naman sila para suportahan ka.
Lucky color: Pink
Lucky number: 4

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Ikwento mo sa ibang tao ang mga bagay na bumabagabag sa iyo. Maaaring may maibigay silang magandang advice para sa problema mo.
Love:
Couples: Maaaring may sabihin sa iyo ang iyong partner at dapat ay huwag kang ma-offend. At least, honest siya sa iyo.
Money/Career:
Magiging hectic ang schedule mo ngayong araw kaya naman iwasan mong tamarin dahil marami ka pang dapat na gawin.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 2

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Magtiwala ka muna sa iyong mga kutob at hinala. May malaking posibilidad na magkatotoo ang mga ito ngayong araw.
Love:
Singles: Subukan mong lumabas kasama ang taong hindi mo naman talaga type. Marahil ay mag-iba ang tingin mo sa kanya pagkatapos.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa isa mong kasamahan ngayong araw dahil may chance na isumbong ka niya sa iyong boss.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 7

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maaaring magkaroon ka ng bisita ngayong araw. Kaya naman huwag mong kalimutan na maghanda para sa kanila.
Love:
Singles: Maaaring may taong magtapat ng kanyang nararamdaman para sa iyo. Ito na ang chance mo para magkaroon ka ng love life.
Money/Career:
Magagawa mong tapusin ang iyong mga pending na gawain at magkakaroon ka na rin ng oras para makapagrelax.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 23

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Magiging emosyonal ka ngayong araw, kaya naman medyo mahihirapan kang gawin ang mga bagay na inutos sa iyo.
Love:
Singles: Ang taong nakalaan para sa iyo ay nasa tabi-tabi lang. Kaya naman talasan mo ang iyong pakiramdam at huwag maging manhid.
Money/Career:
Kung wala ka pang trabaho, maaaring matulungan ka ng isa sa iyong mga kaibigan o naging kaklase.
Lucky color: Red
Lucky number: 23

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
May issue ka na iniiwasan kamakailan, pero kailangan mo na itong harapin para magkaroon ka na ng peace of mind.
Love:
Couples: Subukan mong baguhin ang iyong outfit at may malaking posibilidad na magustuhan ito ng iyong partner.
Money/Career:
Kung lagi kang on-time sa iyong trabaho, malaki ang chance na ma-promote ka at magkaroon ng magandang career sa hinaharap.
Lucky color: Grey
Lucky number: 11

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Subukan mong huwag muna makisali sa away ng ibang tao dahil may chance na madamay ka rito kahit wala ka namang kinalaman dito.
Love:
Singles: Gawin mo ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa. Maaaring magkaroon ka ng bagong pagkakaabalahan kung hindi ka masyadong busy.
Money/Career:
Kung magtatrabaho ka, siguraduhin mo na gusto mo ang iyong ginagawa para maging dedicated ka para rito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 11

Comments

James Reid, Sarah Geronimo set to work together in a movie

Maja Salvador hurt during “Wildflower” taping; she was advice to undergo therapy