in ,

Daily Horoscope: November 18, 2017 – Saturday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Magiging maganda ang araw na ito para sa iyo. Maraming tao ang tutulong sa iyo lalo na kung hindi mo talaga kaya ang mga gawain na iuutos sa iyo.
Love:
Singles: Maaaring may magustuhan kang tao pero may malaking chance na gusto rin siya ng iyong kaibigan. Kaya naman huwag kang magpatalo sa kanya.
Money/Career:
Kung kailangan mong mag-over time ngayong araw, gawin ito.
Lucky color: Red
Lucky number: 13

Taurus (Apr 20 – May 20)
Maaaring madelay ang iyong mga gawain pero hindi mo naman ito kasalanan. Kaya habang naghihintay, pagkakataon mo na ito para makapagpahinga.
Love:
Couples: Kung may extra kang oras, kamustahin mo ang iyong partner. Hindi porke busy ka sa iyong trabaho ay hindi mo na siya maalala.
Money/Career:
Mas mabuting sumunod muna sa sinasabi ng ibang tao para hindi ka na mapagalitan.
Lucky color: Brown
Lucky number: 28



Gemini (May 21 – Jun 20)
May importante kang dapat gawin ngayong araw kaya naman gawin mo na ito agad. Huwag mong hayaang tamarin ka ulit.
Love:
Couples: Kung hindi ka sigurado kung gusto mo na i-level up ang inyong relasyon, huwag mo muna itong gawin. Pag-isipan mo muna itong mabuti.
Money/Career:
Mas makakabuti sa iyo kung hindi ka muna makikialam sa problema ng ibang tao.
Lucky color: Blue
Lucky number: 10

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang magagawa mong matapos ang iyong isang obligasyon ngayong araw. Kaya naman magkakaroon ka na ng maraming oras para gawin ang iyong mga gusto.
Love:
Singles and Couples: Magpahinga ka muna sa iyong trabaho at magbigay ka ng maraming oras sa iyong pamilya.
Money/Career:
Mukhang okay naman ang status ng iyong trabaho. Kailangan mo na lamang maging consistent dito.
Lucky color: Green
Lucky number: 30

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maguguluhan ka sa mga mangyayari ngayong araw. Pero huwag ka masyadong mag-alala dahil may taong handang tumulong sa iyo.
Love:
Couples: Bigyan ninyo ng space ang bawat isa lalo na kung feeling ninyo ay nasasakal na kayo sa inyong relasyon.
Money/Career:
Hindi ito ang tamang panahon para pumasok o pumayag ka sa isang investment.
Lucky color: Orange
Lucky number: 1

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Para maiwasan mong magkamali, pagplanuhan mong mabuti ang iyong mga gagawin at para hindi ka na rin malito kung ano ang dapat mong unahin.
Love:
Couples: Maging loyak ka sa iyong partner. Huwag mong hayaang matukso ka ng ibang tao kaya mas mabuti kung iiwas ka na lang sa kanya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: Gold
Lucky number: 24

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang magiging pabor sa iyo ang araw na ito. Magagawa mong tapusin ang lahat ng iyong mga gawain na walang problema.
Love:
Couples: Kung gusto ng iyong partner na mapag-isa muna, pagbigyan mo siya. Minsan ay kailangan niya talaga ng privacy at space.
Money/Career:
Kung ikaw ay nagbabalak na magsimula ng isang maliit na business, gawin mo na ito.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 16

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maghinay-hinay ka lang sa iyong mga gawain. Huwag mong madaliin ang mga ito dahil may malaking chance na magkamali ka.
Love:
Couples: Kung masaya ka sa inyong relasyon, ipagpatuloy mo lang ito. Pero kung lagi na lang kayong nagkakasakitan, marahil ay panahon na para itigil ito.
Money/Career:
Dahil sa iyong achievements, hindi malayong mainggit sa iyo ang iyong mga kasama. Kaya naman mas mabuti kung maging humble ka.
Lucky color: White
Lucky number: 5

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Hindi mo pwedeng ipagkatiwala sa ibang tao ang iyong mga gawain. Kung gagawin mo ito, may malaking chance na magkamali sila at malagot ka.
Love:
Couples: Walang taong perfect. Kaya naman kung nagsorry sa iyo ang iyong partner, patawarin mo na siya.
Money/Career:
Mag-ingat ka dahil may chance na nakawin ng ibang tao ang iyong mga ideya.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 6

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung gusto mo maging successful sa buhay, dapat ay marunong kang magcommit sa mga bagay na importante sa iyo.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para ilaan mo kasama ang iyong partner. Lumabas kayo at manood ng sine.
Money/Career:
Hindi importante kung marami kang challenges na dapat harapin. Ang importante ay ang maabot mo ang iyong goal.
Lucky color: Grey
Lucky number: 26

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
May darating naman na tulong para sa iyo, pero hindi ito permanente kaya kailangan mong magmadali para rito.
Love:
Couples: Maaaring makatanggap ka ng payo mula sa iyong partner. Hindi mo man ito magustuhan, kailangan mo pa rin itong sundin.
Money/Career:
Subukan mong tapusin ang iyong mga gawain sa umaga pa lang, para pagsapit ng hapon ay wala ka na masyadong gagawin.
Lucky color: Pink
Lucky number: 13

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung medyo bored ka na, subukan mong pumasyal sa isang lugar na hindi mo pa napupuntahan at isama mo ang iyong pamilya.
Love:
Singles and Couples: Ilaan mo muna ang araw na ito para makasama ang iyong pamilya. Mag-isip ka ng activities para makapagbonding kayo.
Money/Career:
Siguraduhin mong nabayaran mo na lahat ng iyong bills para makaiwas ka sa aberya.
Lucky color: Black
Lucky number: 9

Mocha Uson eyes Senate seat in 2019

Kapamilya again! Derek Ramsay returns to ABS-CBN