in ,

Daily Horoscope: November 21, 2017 – Tuesday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
May malapit sa iyo na may malaking problema. Kaya naman kung kaya mo namang tumulong sa kanya, gawin mo ito.
Love:
Couples: Yayain mo ang iyong partner na magrelax. Pumunta kayo sa inyong favorite place at enjoyin muna ang company ng isa’t-isa.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa networking ang trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 7

Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang may taong sasabotahe sa mga plano mo. Kaya naman mas mabuting huwag mo i-share sa iba ang iyong mga plano next time.
Love:
Couples: Kung meron kayong misunderstanding ng iyong partner, mas mabuti kung lilinawin mo sa kanya ang lahat nang mahinahon.
Money/Career:
Mukhang mahihirapan ka sa iyong mga gawain lalo na kung hindi ka sinusuportahan ng iyong boss.
Lucky color: Green
Lucky number: 23

Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung meron kang pinoproblema, subukan mo itong sabihin sa iyong mga kaibigan at baka matulungan ka nila.
Love:
Couples: Habaan mo ang iyong pasensiya sa iyong partner kahit na medyo pasaway siya. Kaya kung may pagtatalo kayo, mas mabuti kung huwag ka na sumagot.
Money/Career:
Dapat ay ayusin mo ang iyong mga kilos para naman maging maganda ang first impression sa iyo ng mg tao.
Lucky color: Blue
Lucky number: 4


Tech Jungle: VIVO V17 PRO Review


Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag ka muna makipagtalo sa kahit na sino ngayong araw, lalo kung ayaw mong masira ang iyong mood.
Love:
Singles: Kung hindi ka naman pinapansin ng crush mo, mas mabuting maghanap ka na lang ng iba na may panahon sa iyo.
Money/Career:
Kailangan mong magdesisyon agad. Huwag mo na ito patagalin para hindi ka na mahirapan pa.
Lucky color: Blue
Lucky number: 24

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung meron kang problema sa iyong pamilya, dapat ay gawan mo muna ito ng paraan para hindi na ito lumala pa.
Love:
Couples: Kung masaya ka naman sa kasalukuyan mong relasyon, mukhang panahon na para i-level up ninyo ang inyong pagasasama.
Money/Career:
Mukhang ito na ang tamang panahon para bilhin mo ang isang bagay na matagal mo na gusto makuha.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 15

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Subukan mong i-share sa ibang tao ang iyong mga problema at baka may maibigay silang advice na makakatulong sa iyo.
Love:
Singles: May taong nagkakagusto sa iyo, pero kaibigan lang ang turing mo sa kanya. Huwag mo na siya paasahin at tanggihan na siya kaagad.
Money/Career:
Hindi naman ikaw ang may gawa ng problema, pero ikaw ang pinakamaaapektuhan nito.
Lucky color: Black
Lucky number: 16

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mas mabuting idistansya mo ang iyong sarili sa mga taong negative mag-isip. Huwag mo ring hayaang maimpluwensiyahan nila ang mga desisyon mo.
Love:
Couples: May malalaman kang bago sa iyong partner. Pero huwag kang mag-alala dahil mukhang good news naman ito.
Money/Career:
Subukan mong tapusin ang iyong mga gawain sa umaga, para pagsapit ng hapon ay wala ka na masyadong gagawin.
Lucky color: Violet
Lucky number: 12

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung hindi ka naiintindihan ng mga tao sa iyong paligid, mas mabuti kung huwag ka na mag-effort para ito ay maintindihan nila.
Love:
Couples: Maaaring mabawasan ang tiwala mo sa iyong partner ngayong araw. Pero bago ka gumawa ng desisyon, isipin mo muna ang mga
pangyayari.
Money/Career:
Kung may plano kang gumastos ngayong araw, okay lang naman na gawin mo ito.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 11

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung hindi ka naiintindihan ng mga tao sa iyong paligid, mas mabuti kung huwag ka na mag-effort para ito ay maintindihan nila.
Love:
Couples: Maaaring mabawasan ang tiwala mo sa iyong partner ngayong araw. Pero bago ka gumawa ng desisyon, isipin mo muna ang mga
pangyayari.
Money/Career:
Kung may plano kang gumastos ngayong araw, okay lang naman na gawin mo ito.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 11

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kahit na intensyon mo na tumulong sa iyong kapwa, hindi mo pa rin maiiwasan na may mga taong mag-isip ng masama tungkol sa iyo.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Pumunta kayo sa favorite ninyong restaurant para magdinner.
Money/Career:
Kung marami man ang iutos sa iyo ngayong araw, huwag kang mag-alala dahil sure naman na merong tutulong sa iyo.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 16

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw. Kaya naman hinay-hinay lang sa pag-iisip at baka lalo kang maging moody.
Love:
Couples: Huwag kang matakot kung nagiging mas seryoso na ang status ng inyong relasyon. Lagi namang nakasuporta sa iyo ang iyong partner.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa kalusugan ang trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 26

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Magtipid ka muna sa ngayon. Huwag ka muna gumastos sa mga bagay na hindi naman masyadong importante at kung itatambak mo lang din ang mga ito sa huli.
Love:
Singles: Close nga kayo, pero hindi mo pa rin maamin na may feelings ka sa kanya. Darating din ang araw na masasabi mo rin ito sa harap niya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga estudyanteng nagrereview para sa isang exam.
Lucky color: Green
Lucky number: 24

Comments

Written by Adrian Bigno

Civil engineer by degree, photographer and graphic designer by heart.

Maja Salvador, Coco Martin, Vice Ganda, MayWard tandem: Big Winners at RAWR Awards 2017

Ethel Booba posts funny tweets over Sass Sasot and BBC’s Jonathan Head confrontation