Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag ka muna magpautang ng pera ngayong araw dahil may malaking chance na hindi mo ito mabawi kaagad.
Love:
Singles: May taong nakalaan para sa iyo, kaya naman huwag mo na kulitin ang isang taong wala namang gusto sa iyo.
Money/Career:
May chance na makatanggap ka ng pera ngayong araw mula sa isang taong malapit sa iyo.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 9
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang may matatanggap kang good news ngayong araw, kaya naman ikaw ang bahala kung gusto mo itong ishare sa iyong pamilya.
Love:
Singles: Mukhang hindi pa ito ang tamang oras para pumasok ka ulit sa isang relasyon lalo na kung kagagaling mo lang sa isang break up.
Money/Career:
Huwag mo hayaang pigilan ka ng ibang tao sa gusto mong gawin, lalo na kung alam mo naman ang iyong ginagawa.
Lucky color: Orange
Lucky number: 2
Gemini (May 21 – Jun 20)
Gawin mong busy ang iyong sarili lalo na kung gusto mo munang makalimutan ang isang bagay na talaga namang masakit para sa iyo.
Love:
Couples: May malaking chance na may pag-awayan kayong dalawa ngayong araw lalo na kung makulit talaga ang isa sa inyo.
Money/Career:
Kung magaling ka sa iyong trabaho, dapat ay aware ka na may mga taong naiinggit sa iyo.
Lucky color: Red
Lucky number: 26
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung may bumabagabag sa iyo lately, subukan mo itong ishare sa iyong kaibigan at baka may solusyon siya sa iyong problema.
Love:
Singles: Huwag mong balewalain ang iyong mga kaibigan. Sumama ka kung may gala kayo lalo na kung may plano silang manood ng sine.
Money/Career:
Huwag ka masyadong malungkot kung hindi nangyayari ang gusto mo. Habaan mo na lamang ang iyong pasensiya.
Lucky color: Blue
Lucky number: 7
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka muna makipag-usap sa ibang tao tungkol sa isang sikreto dahil may chance na ipagkalat nila ito.
Love:
Singles: Mukhang may taong nagkakagusto sa iyo, pero hindi nila alam kung paano nila ito aaminin sa iyo.
Money/Career:
Mukhang magkakaroon ka ng chance para matapos ang iyong mga pending na gawain.
Lucky color: Black
Lucky number: 12
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kailangan mo na magdesisyon ngayong araw, lalo na kung nagigipit ka na at wala ka ng ibang choice.
Love:
Couples: May mapapansin kang kakaiba sa iyong partner ngayong araw. Huwag mo muna ipahalatang napansin mo ito sa kanya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong naghahanap ng trabaho.
Lucky color: Purple
Lucky number: 20
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang may matatanggap ka na tulong mula sa isang tao na kahit kailan ay hindi mo inasahang tutulong sa iyo.
Love:
Couples: Mukhang handa ka na para ilevel up ang inyong relasyon, pero kung hindi pa handa ang iyong partner, kailangan mo munang maghintay.
Money/Career:
Panahon na para simulan mo ang isang bagay na dapat ay matagal mo na nagawa.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 19
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang magiging busy ka na naman ngayong araw, kaya hindi ka makakapaglaan masyado ng oras sa ibang bagay.
Love:
Singles: Magpahinga ka muna ngayong araw. Huwag ka muna gumala at magstay ka na lang sa iyong bahay.
Money/Career:
Mukhang may katrabaho ka na tutulong sa iyo, lalo na kung palagi ka na lang nagkakamali sa isang bagay.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 3
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang may taong gustong sumabotahe sa iyo, kaya naman talasan mo ang iyong pakiramdam at bantayan ang mga tao sa iyong paligid.
Love:
Couples: Suportahan mo muna ang iyong partner, lalo na kung meron siyang pinoproblema sa ngayon.
Money/Career:
May malaking chance na matapos mo ang mga bagay na iuutos sa iyo ngayong araw.
Lucky color: Brown
Lucky number: 26
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang may malaking chance na makatanggap ka ng isang regalo mula sa isang tao na very close sa iyo.
Love:
Singles: Wala namang taong perpekto kaya huwag kang mag-expect na maiintindihan ka kaagad ng isang tao tungkol sa iyong gusto.
Money/Career:
May chance na magkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa iyong trabaho ngayong araw. Huwag ka na sumali lalo na kung wala ka namang kinalaman dito.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 13
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang mapapansin mo na rin sa wakas ang isang tao na matagal na gumagawa ng effort para sa iyo.
Love:
Couples: Bago pumayag sa gusto ng iyong partner, tanungin mo muna ang iyong sarili kung talagang handa ka na ba para rito.
Money/Career:
May malaking chance na mawalan ka ng pera ngayong araw lalo na kung nagiging pabaya ka ulit.
Lucky color: Pink
Lucky number: 14
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Okay lang na naman na gumastos ka ngayong araw, pero huwag mo naman ubusin ang lahat ng iyong naipon.
Love:
Couples: Mukhang panahon na para ikaw ay magpasya kung gusto mo pang ipagpatuloy ang inyong relasyon o hindi na.
Money/Career:
Kung may oportunidad na dumating sa iyo, kunin mo na ito kaagad lalo na kung feeling mo ay kakayanin mo naman ito.
Lucky color: Red
Lucky number: 11

