in

Talk-of-the town “The Healing” wins the hearts of moviegoers

Talk-of-the town ngayon ang patuloy na tumatabo sa takilya na “The Healing,” ang graded A horror-suspense film na pinagbibidahan ng Star for All Seasons Vilma Santos at ng Princess of Philippine TV and Movies na si Kim Chiu.

Sa matagumpay nitong premiere night pa lamang noong Martes (July 24), naging no.1 trending topic na agad ang “The Healing” sa sikat na microblogging site na Twitter kung saan bumaha ng tweets mula sa mga netizen na labis na ang pananabik na mapanood ang pelikula.

Sa labis na excitement ng publiko sa “The Healing,” matagumpay agad ang first day of showing nito sa laksa-laksang tao na sumugod at matiyagang pumila sa iba’t ibang mga sinehan sa buong bansa. Sa katunayan, sa patuloy na pagdagsa ng moviegoers, ilang malls na ang nagplanong magdadag ng cinemas ngayong weekend upang matiyak na maa-accommodate ang dami ng nais manood.


Tech Jungle: VIVO V17 PRO Review


Sa ilalim ng produksyon ng Star Cinema, ang “The Healing” ay ginawaran kamakailan ng pinakamataas na marka na Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Ang “The Healing” ay engrandeng panimula ng selebrasyon ng ika-50 anibersayo ni Ate Vi sa showbiz.

Palabas na ngayon ang “The Healing” sa mahigit 140 na sinehan sa buong bansa.

Kasama rin sa cast ng “The Healing” sina Janice de Belen, Mark Gil, Martin del Rosario, Jhong Hilario, Allan Paule, Cris Villanueva, Daria Ramirez, Ces Quesada, Ynez Veneracion, Simon Ibarra, Abi Bautista, Joel Torre, Chinggoy Alonso, Mon Confiado, Carmi Martin at Pokwang.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa “The Healing,” bisitahin lamang ang www.StarCinema.com.ph, o i-‘like’ ang official webpages ng pelikula na http://facebook.com/TheHealingFilm, http://facebook.com/StarCinema or http://twitter.com/StarCinema.

Share

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

Written by Mc Richard Paglicawan

LionhearTV has always believed in what the everyday reader can contribute, and has always been open to receiving input, help, or leads on stories.

Mommy Divine and Daddy Delfin join Sarah Geronimo in a ‘Family Night’ episode this Sunday

TV5 Kids offers a refreshing line-up starting July 29