in , ,

Daily Horoscope: October 10, 2017 – Tuesday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Maaaring sumama ka sa isang outing. Makakatulong ito sa iyo para magkaroon ka ng oras makapagmuni- muni.
Love:
Singles: Kung maraming nanliligaw sa iyo at naguguluhan ka kung sino sa kanila ang dapat mong sagutin, huwag ka muna magdesisyon dahil masyado pang maaga.
Money/Career:
Mukhang magiging hectic ang schedule mo ngayong araw kaya naman siguraduhin mo na may sapat kang pahinga.
Lucky color: Orange
Lucky number: 17

Taurus (Apr 20 – May 20)
Maaaring magkaroon ka ng gala kasama ang iyong mga kaibigan. Kaya naman magtipid ka na para siguradong makasama ka.
Love:
Couples: Kung may gustong gawin ang iyong partner na talaga namang hilig niya, huwag mo siyang pigilan na gawin ito.
Money/Career:
Ingatan mo ang iyong wallet habang ikaw ay bumibyahe.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 17



Gemini (May 21 – Jun 20)
Masaya talaga magshopping paminsan-minsan. Basta ba binabantayan mong mabuti ang iyong budget para hindi maubos agad ang iyong pera.
Love:
Couples: Magkakaroon ng kumplikasyon ang inyong relasyon lalo na kung may problema kayong hindi pinag-uusapan dahil nahihiya kayo pareho.
Money/Career:
Maging committed ka sa iyong trabaho para talagang maging successful ka rito.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 8

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag ka masyadong mayabang lalo na kapag nagkukwento ka. Mababadtrip lang sa sila sa iyo kung masyado kang mahangin. Baka matangay mo sila.
Love:
Singles and Couples: Maglaan ka ng oras sa iyong pamilya. Kung may plano kayong magbakasyon, gawin ito kaagad.
Money/Career:
Unti-unti nang nagiging successful ang iyong trabaho. Kaya naman maging consistent ka lang sa iyong mga ginagawa.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 15

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kailangan mong harapin ang isang problema na matagal mo na iniiwasan. Hindi ka magkakaroon ng peace of mind kung hindi mo ito aaksyunan.
Love:
Singles: Panahon na para palawakin mo ang iyong social circle. Malay mo, makita mo na ang taong nakatadhana para sa iyo.
Money/Career:
Huwag mo muna ipagkatiwala sa iba ang iyong pera. May posibilidad na lokohin ka lang niya.
Lucky color: Blue
Lucky number: 15

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung hindi mo gusto ang usapan, mas mabuting umalis ka na lang para hindi mo ito marinig at hindi na sumama ang iyong loob.
Love:
Couples: Kung palubog na ang inyong relasyon, mas mabuti kung huwag na itong ipaglaban dahil masasayang lang ang oras ninyo rito.
Money/Career:
Panahon na para palawakin mo ang iyong social circle at dumami ang iyong mga koneksyon.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 15

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag kang masyadong mag-alala. Magiging maayos din ang lahat kaya naman huwag mo na pahirapan ang iyong sarili sa pag-iisip.
Love:
Couples: Mag-ingat ka ngayong araw dahil may third party na balak sumira sa inyong relasyon. Tatagan mo ang iyong loob at ipaglaban ang inyong samahan.
Money/Career:
Kung bored ka na sa iyong trabaho, marahil ay panahon na para maghanap ka ng bago.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 20

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung palagi ka na lamang stressed sa iyong trabaho, lalong gagrabe ang pananakit ng iyong leeg.
Love:
Singles: Kung may nagugustuhan kang tao, gawin mo ang lahat para mapadalas ang inyong pagkikita. Ito na ang pagkakataon mo para dumiskarte sa kanya.
Money/Career:
Ayusin mo ang pakikitungo mo sa iyong mga katrabaho lalo na kung ayaw mo ng away.
Lucky color: Pink
Lucky number: 23

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Iwasan mong makipagkasundo sa mga tao na may balak lang na isahan ka. Huwag agad magtiwala sa mga taong ngayon mo pa lang nakilala.
Love:
Couples: Naging busy ka sa iyong trabaho kamakailan kaya naman ito na ang tamang panahon para bumawi ka sa iyong partner.
Money/Career:
Palaki na nang palaki ang iyong pamasahe kada araw. Kaya naman panahon na para magtipid ka at huwag muna gumastos ng malaki.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 4

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Ingatan mo ang iyong kalusugan ngayong araw. Mas makakatipid ka rin lalo na kung ikaw na lang mismo ang magluluto ng iyong mga pagkain.
Love:
Singles: May malaking chance na makita mo na ang taong nakatadhana para sa iyo. Magiging exciting ang araw na ito.
Money/Career:
Huwag kang tatanggap ng isang gawain lalo na kung hindi mo pala ito magagawa sa oras.
Lucky color: Grey
Lucky number: 1

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Hindi ito ang tamang panahon para mag-eksperimento ka. Mas maganda kung gagawin mo ang mga bagay na napatunayan na at talagang epektibo.
Love:
Singles: May kakilala kang tao na gagawa ng paraan para lang makasama ka. Pagmasdan mong mabuti ang kanyang mga kilos.
Money/Career:
Hindi ito ang oras para makipagtsismisan ka sa iyong mga katrabaho. Magconcentrate ka sa iyong trabaho para matapos ka kaagad.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 6

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Makinig ka sa iyong mga kutob at hinala dahil may malaking posibilidad na magkatotoo ang mga ito. Obserbahan mo ring mabuti ang nangyayari sa iyong paligid.
Love:
Couples: May pagbabago na darating sa inyong relasyon. Huwag mag-alala dahil mukhang pabor naman ito sa inyong dalawa.
Money/Career:
Maiistress ka sa iyong trabaho lalo na kung lagi na lamang pasaway ang iyong mga kasama.
Lucky color: Red
Lucky number: 11

ABS-CBN captures more Filipinos nationwide in September 2017

AGB Nielsen: NUTAM People TV Ratings – October 5 & 6, 2017 | “Wildflower” retains daytime leadership; “The Good Son” overtakes “My Korean Jagiya”